Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden tagasalo ng BFF

0 348

NI: VINIA VIVAR

Sa first night ng Alden’s Reality virtual concert held last Dec. 8 ay nagbahagi si Alden Richards ng ilan sa kanyang mga katangian na hindi alam ng publiko. Tulad na lamang kung paano siya bilang kaibigan.

Ayon sa Asia’s Multimedia Star, mapili raw siya sa magiging kaibigan.

“I pick my friends carefully. I don’t have a lot, but I have the best ones. That’s what I can say,” he said.

Para raw sa kanya, ang kaibigan ay para ring pamilya na pwede matawagan anytime.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kasi sa akin, parang when you say friends, it’s like a brother or a sister, that’s what friendship is. ‘Yung tatawagan mo in the middle of the night, 2am, tapos papupuntahin mo kung nasa’n ka and then, without question, they’ll come. Du’n mo masusukat ang tunay na pagkakaibigan,” he said.

Siya raw ang nagsisilbing tagapayo sa kanyang mga kaibigan.

“Ako ‘yung laging tagasalo, taga-advice. ‘Yan ‘yung puna sa akin ng mga kaibigan ko talaga. All of them are asking me the question na ‘why do I always give them advice? Bakit ako, hindi ako nanghihingi ng advice?’

“Siguro, ayoko lang maging pabigat. I don’t want to be the burden, I don’t want to give people heart breaks. Ayokong ako ‘yung mabigat, parang ganu’n. Sa akin n’yo na lang ibigay ‘yung bigat, basta ‘wag lang ako. Kasi ako, kaya ko, eh. Kaya ko siyang dalhin. I can solve my own problems, of course with the (help of the) Lord.

“I know it’s wrong, mali rin ‘yun, pero parang mas gusto ko kasi na ako ‘yung nakakatulong,” pahayag ni Alden.

Leave A Reply

Your email address will not be published.