Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden target ang internat’l project

0 103

ni: Vinia Vivar

Matapos ang matagumpay na virtual reality concert last December, target naman ngayon ni Alden Richards ang international market. Isa raw ito sa goals ng Asia’s Multimedia Star ngayong 2021.

“Plans for 2021, siguro, ‘yun, parang try to get opportunities abroad especially sa projects, mga acting roles,” pahayag ni Alden sa panayam ng GMA-7.

Pero siyempre, hindi naman niya pwedeng kalimutan ang kanyang career sa Pinas at katunayan, may gagawin daw siyang teleserye.

“Baka magserye tayo mga 2nd or 3rd quarter ng year,” sey niya.

Nang matanong naman ang kanyang New Year’s Resolution, aniya ay hindi raw siya gumagawa nito.

“Sa 10 years ko sa industry, ang New Year’s Resolution ko talaga is really not to make any. Para walang pressure. It’s just really about self-recreation and being a better person of you than last year.

“So move forward lang and be better with your decisions,” he said.

Kahapon (Jan. 2) ay ipinagdiwang ni Alden ang kanyang 29th kaarawan. Binigyan siya ng birthday celebration ng kanyang Eat Bulaga family. And of course, binati rin siya ng kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza.

Wish ng aktor na makapag-move forward na ang lahat ngayong 2021 at kalimutan na ang hindi magagandang pangyayari noong 2020.

“Ang talagang wish ko po para sa lahat, sana, kalimutan na natin ang mga nangyari sa 2020, sana natuto tayo sa lahat ng na-experience nating. . .mas marami ‘yung downfall, actually.

“Pero itong 2021, siguraduhin po nating lahat na tayo’y magmu-move-on at magmu-move forward lang kasi ganu’n naman ang buhay, eh. Dire-diretso lang basta nandiyan si Lord,” mensahe ni Alden.

Leave A Reply

Your email address will not be published.