Abante Tonite Interactive

Alden, tutulong na bukas sa ‘Encantadia’

145

BUKAS na ang simula ng inaaba­ngang guest appearance ni Alden Richards sa Encantadia.

Tila sinadya ng GMA na ga­wing misteryoso ang karakter ni Alden na si Lakan na isang Mulawin o taong-ibon.

Sa isang taping ni Alden ay may kumuha ng picture na ang kasama niya sa set ay si Solenn Heussaff, so ibig sabihin ay may eksena sina Lakan at Cassiopeia.

May napanood naman kaming cute video na mukhang kuha sa dressing room ng Encantadia na naki-join sa katuwaang sayawan si Alden kasama sina Sanya Lopez (Da­naya), Rael (Betong Sumaya) at Enuo (Rafa Siguion-Reyna), kaya siguradong makakaeksena niya ang mga ito.

Palaisipan sa Encantadiks kung ano ang eksaktong magiging papel ni Lakan sa buhay ng mga Sang’gre.

Kaabang-abang kung paano niya tutulungan si Danaya sa isang kapahamakang mangyayari sa mundo ng mga tao, pati na rin ang paglipad niya pabalik ng Encantadia kasama sina Danaya at Lira (Mikee Bustos).

Sino ba si Lakan at paano makakatulong sa mga Sang’gre ang kanyang pagdating para mabawi sa kamay nina Pirena (Glaiza de Castro) at Hagorn (John Arcilla) ang kaharian ng Lireo?

Tuklasin ang mister­yong bumabalot sa katauhan ni Lakan, sa Kapuso telefantasya na Encantadia pagkatapos ng 24 Oras.