Abante Tonite Interactive

Alden tuwalya lang ang suot

By
1,908

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioWalang dudang­ ma­­laking produksyon ang ‘Victor Magtanggol’ kaya ngayon pa lang, marami ang nagsasabi at nanalig na more chances of winning na tanghaling superstar ang nag-iisang Alden Richards.

Pahayag ni Alden, “It all goes back sa Diyos po, na nagbibigay ng blessing and to GMA for trusting me with this project. ‘Pag nakikita ko ang mga bosses ko, ‘yung warmth po. Ang pakiramdam ko po anak nila ako. Pakiramdam ko po they have so much faith in me. That they gave me this project is beyond words. Wala po akong masabi.”

Kasama siyempre sa kanyang superstar pakete ang pagiging kasama niya sa creative team ng programa.

Kuwento ni Richard, “Malaking honor po kasi sa eight years ko sa industriya, hindi ko pa na-experience maging part ng creative process. Nakasanayan ko, in layman’s term, na spoon fed. Lahat nang nakasulat diyan, I just have to deliver because that is my job as an actor. Mas iba ang nabibigay na ownership sa artista ‘pag nabigyan sila ng chance maging part ng c­reative team.”

Masayang kuwento nito, “Mga eksena sa Victor na ‘yung idea sa akin galing. Ganoon po kasi ang entitlement na ibinigay sa akin sa Victor Magtanggol kaya ‘yun pong pagmamahal ko sa soap ay sobra-sobra.”

Sa mga eksenang nagawa na niya para sa VM, ang pinakamahirap kay Alden ay, “‘Yung confrontation scene namin ni Ms. Coney Reyes. Dito kasi, siya ‘yung mommy ko na nawala for the longest time tapos natagpuan ko siya. Hindi ko nagustuhan ang nangyari sa kanya sa abroad, na iniwan niya kami para sa ibang pamilya. May kurot talaga siya sa puso ko kasi it involves ang nanay at involves family. ‘Yung puso ng mga writer sa pagsusulat, naramdaman ko po ‘yun du’n sa pagkikita ni Victor at ng kanyang nanay.”

Puring-puri ni Alden si Ms. Reyes. “Grabe! Kung paano ko po siya napapanood sa pelikula, ganoon po ang naramdaman ko sa eksena na­ming dalawa. ‘Yung una ko pong kita sa kanya, niyakap at hinalikan ako agad. Very warm si Ms. Coney at sinabi niya sa akin na one of the major reasons why she accepted this pro­ject is because of me. So doon pa lang po, parang gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko kasi ‘yung manggaling po ang salitang ‘yun kay Ms. Coney, parang sino ba naman ako?”

Nakakatuwa na kahi­t isa na siya sa pinaka-ma­tagumpay na aktor sa ka­salukuyan, ang pagiging mapagkumbaba, likas talaga sa binata.

Ilan sa mga kakaabang na eksena sa fantaserye ay ang palengke habulan sequence at handa na ba kayo, sa mga hubad baro scenes ng Pambansang Bae?

“Mahirap ‘yung palengke scene at isa siya sa mga highlights ng pilot night,” lahad ni Al­den. “Ayoko na may stunt double. I do all my stunts. Nag-aral ako ng Muay Thai at Parkour in pre­paration for my role here. Marami akong physical pre­paration for my role. Nag-start ako ng training ng January. Right after even before mag-tape kami.”
Sa mga eksenang hubad-hubad siya, kamusta naman? “Hahahaha! Magpapakita na po tayo ng konting katawan sa soap. Kasi po, actually, dream ko po ‘yun, na makapaghubad sa isang eksena. Meron na pong eksena na matatapos akong maligo nakatwalya lang.”

Bakit kailangan ng mga tao na bigyan ng chance si Victor Magtanggol? Mainam na sagot ni Faulkerson, “Kung pagbibigyan ng audienc­e na si Victor Magtanggol na makapasok sa puso nila, sigurado po ako na makaka-relate sila rito, lalo na po sa part ng pamilya­. Kasi po ta­yong mga Pinoy, we’re famil­y oriented and this show highlights family relationships. ‘Yun ang main arc ng storytelling sa Magtanggol, ‘yung importance of family, which most Filipinos can relate too.”

Para kay Alden, ang pi­nakamalaking gain na ma­kukuha sa Victor Magtanggol ay, “May reward ang pagiging selfless. ‘Yung mas uunahin mo ang ibang tao kaysa ang sarili mo in terms of doing good. Iba po ang reward. Sa totoong buhay ay ganoon din po ako. Kahit po ako ay wala basta ang mga mahal ko sa buhay, sila ang meron, the best na ‘yun sa akin.”