Abante Tonite Interactive

Alden type si Bea Alonzo

1,564

Nagsanib-pwersa  ang Tambayan Ng Tsika Tonite at Showbiz Pa More Tonite pati na ang ibang mga writer at columnist ng Abante TONITE sa guesting ng Pambansang Bae na si Alden Richards.
Pawang tanong sa Kapuso actor ay nasagot niya without hesitations. Napag-alaman ng buong grupo na very open si Alden na makatrabaho ang mga taga-Kapamilya ar­tist lalong-lalo na si Bea Alonzo.
Ani Alden: “Noon pa po kapag napapanood ko ang Bea-John Lloyd talagang nasabi ko pong gusto kong makatrabaho si Bea.
Pero, nagpatiuna na si Alden na if may mag-offer sa kabilang Network, hinding-hindi raw siya mag-oober da bakod. Nakadikit na raw ang bituka niya sa GMA-7. “Sa GMA na po ako tatanda!”
“Nagpapasalamat po ako sa Kapuso dahil sila ang nagbukas ng pinto sa akin. Lahat binigay nila at nagpapasalamat po ako,” dugtong pa ni Alden.
Feeling daw niya ay masarap katrabaho si Bea. Wala naman daw masama kung magkaibang network sila. Open naman daw ang GMA na may makatrabaho silang Kapamilya artists.
Ibinahagi rin ni Alden na after Victor Magtanggol may one-month-long Xmas offering siya sa fans. Guest siya sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ sa Pinoy Santa ang title kung saan naiiba raw ang tema.
Hindi rin sa ‘Pinas magpa-Pasko si Alden. Kasama ang buong pamilya, sa Amerika sila magpa-Pasko kung saan first time raw mangyayari na magkakasama ang buong pamilya.