Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden uhaw sa dyowa

0 218

Desidido talaga si Alden Richards na magkaroon na ng girlfriend this year. Nabanggit na niya ito in his interview noong nagsisimula pa lang ang taon at ngayong nasa kalagitnaan na tayo ng 2021 ay inulit na naman niya sa Sarap ‘Di Ba? Bahay Edition interview niya with Cassy Legaspi aired last Saturday. Which means, wala pa ring nakikitang special someone ang aktor.

Sa tanong kung ano ang top 3 things na gusto niyang ma-achieve this year, sagot ni Alden, “build my own house, do an international project, at saka find that someone.”

Actually, matagal-tagal na ngang walang girlfriend si Alden kaya naman hindi kataka-takang talagang nami-miss na rin niya ang feeling ng nagmamahal at minamahal.

In the meantime na naghahanap ng mamahalin, ang paglalaro ng mobile and video games ang nagiging “me time” ng aktor kapag walang trabaho.

“’Yun ‘yung pinaka-sanctuary ko, when I play games after work. Parang ‘yun ang nagde-detach sa akin sa showbiz world. Kasi sometimes, as we’re celebrities, we appear on TV, we sometimes get stuck in a certain reality na tayo lang magkakasama. Eh.

“So, we need something that can pull us out. Iban world naman,” ani Alden.

Shawie ayaw pang umuwi

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mahigit isang buwan na rin si Sharon Cuneta sa Los Angeles, USA and as per her latest YouTube vlog, enjoy na enjoy si Megastar sa kanyang buhay doon.

Sa nasabing vlog ay ipinakita ni Sharon ang mga ginagawa niya sa Amerika na hindi niya nagagawa dito sa Pinas kabilang na ang pamamasyal sa mall, pagkain-kain sa restaurants at pakikipagkita sa kanyang mga old friends and relatives doon na talaga raw sobrang na-miss niya.

Makikita sa vlog na pumunta si Shawie sa bahay ng best friend niyang si Lorraine for a Korean barbeque dinner kasama ang ilang friends. Enjoy na enjoy si Mega habang nagluluto-luto sila. Pasayaw-pasayaw at pakanta-kanta pa ang aktres/singer.

Aminado naman si Sharon na talagang nagi-enjoy siya sa kanyang stay sa US at gawin ang mga ordinaryong bagay na hindi niya nagagawa rito.

“Maaaring sa inyo no big deal, sa akin po, ito ang paborito ko, ‘yung talagang nagagawa ko ‘yung lahat ng mga normal na bagay na. . .’yung tine-take n’yo for granted, sa akin, sobrang special kasi iba ang buhay namin sa Manila,” sey ni Sharon.

Mukhang wala pang planong umuwi si Sharon sa Pinas dahil dahil nabanggit niyang pupunta raw siyang New York sa August para naman bisitahin ang anak na si Frankie na magbabalik na sa pag-aaral.

Leave A Reply

Your email address will not be published.