Abante Tonite Interactive

Alden uunahin muna ni Janine bago ang JanVer

By
3,779

May chance nang magkatotoo ang JanVer loveteam dahil balitang mula ABS-CBN ay lilipat na si Rayver Cruz sa GMA, so puwede na silang pagtambalin ni Janine Gutierrez.

Ayon sa tsika ay nagpaalam na si Rayver kay Mr. M (Johnny Manahan) ng Star Magic at pinayagan naman ito.

May Instagram post ang mga naging handler ni Rayver sa Star Magic at ang sabi nila ay mami-miss nila ang binata. Nag-good luck sila rito at winish na magtagumpay pa ito.

Abante Hiring – IT dep

Ang BFF ni Ray na si Maja Salvador ay may message sa IG Story nito na, “Miss you, Bro! Excited ako sa new journey mo, Bro! I’m proud of you! Always naman! Kahit wala kang time! Got your back, bro!”

Very close sina Rayver at Maja at best friend ang tawag nila sa isa’t isa.

Ang laging sinasabi sa amin noon ni Rayver ay may kontrata pa siya sa Dos kaya hindi pa siya puwedeng lumipat sa ibang istasyon. Baka tapos na ang contract niya at nag-decide siyang mag-move on at subukan naman sa kabilang bakuran.

Kahapon ay tinanong namin ang 28-anyos na actor-dancer kung kailan siya lilipat sa GMA, pero hanggang sa tinitipa namin ito ay hindi pa niya kami sinasagot.

Nasa LizQuen teleser­yeng ‘Bagani’ si Rayver at minsan ay napapanood pa ring sumasayaw sa ‘ASAP’. Sana sa Siyete ay mabigyan siya ng mas magagandang project at ma-elevate sa pagka-leading man.

For sure, bet nila pareho ni Janine na pagtambalin sila. Pero si Alden Richards muna ang magiging kapareha ni Janine sa inaaba­ngang ‘Victor Magtanggol’.

Galing din ng Kapuso network si Rayver dahil nu’ng paslit pa siya ay nakasali sila ng kapatid niyang si Rodjun sa award-winning kiddie show na ‘5 and Up’.

18 years ago ay naging part din si Rayver ng GMA sitcom na ‘Kiss Muna’ bilang anak ni Joey de Leon.
***

Kylie handa nang makipagbakbakan

Eentra na pala si Kylie Padilla sa Kapuso primetime series na ‘The Cure’.

May pinost na silhouette pic si Kylie sa IG na naglalakad siya sa isang mausok na area at tila handa siyang makipagbakbakan.

May short teaser din siyang pinost at astig ang dating ng karakter niya, na bagay kay Kylie dahil nag-aaksyon talaga siya.

Masayang nag-comment ang ilang Kapuso stars na wine-welcome back si Kylie. Na-excite din si Mariel Rodriguez.

Mukhang balik-trabaho na talaga si Kylie. 10 months na rin kasi ang anak nila ni Aljur Abrenica na si Alas Joaquin na habang tumatagal ay lalong kumukyut.