Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden walang tsinuging tauhan

0 308

NI: VINIA VIVAR

During these trying times na napakaraming kumpanya at negosyo ang nagsasara or di kaya naman ay nagbabawas ng empleyado, nakakabilib na hindi talaga nagtanggal ng tauhan si Alden Richards sa kanyang mga restaurants.

At kahit nga nitong mga nakaraang buwan na sarado ang kanyang mga branches, hindi raw tumigil ang sweldo ng ilan sa mga employees niya.

“Pero du’n po sa tindahan po, sa mga restaurants natin, hindi po kami nagtanggal, it’s just that since bawas po ‘yung work force, ginawa na lang po naming by schedule para hindi po sila mawalan ng trabaho,” pahayag ng Asia’s Multimedia Star sa tsikahan with the entertainment press kamakailan sa launching/presscon ng CosmoCee.

SM food to go Banner Ad

Naghahalinhinan na lang daw every week ang kanyang mga tauhan and in that way, at least, lahat ay may trabaho.

“Every week po, nagpapalit kami ng set ng servers, waiters, managers. Kasi, ayaw po naming magtanggal kasi alam naman po natin, given the situation right now na ang daming nagbabawas, nagle-lay-off ng mga empleyado, ayaw ko pong ma-experience ‘yun ng mga empleyado po namin, ng team ko po.

“Kasi, unfair, eh. Parang sa inyo na nga lang sila nakaasa, tapos mawawala pa ‘yung pinagkakakitaan nila because of this.

“So, ginawan na lang po namin ng paraan para at least, malatag po nang maayos, walang matanggal at saka wala pong ma-depress sa mga employees namin,” ani Alden.

Sa kasalukuyan ay may 3 branches ang Concha’s Garden Café ni Alden at mayroon din siyang McDonalds franchise sa Binan, Laguna.

Leave A Reply

Your email address will not be published.