Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Aldridge balik Brooklyn Nets

0 45

Nakipag-divorce ang Brooklyn Nets kay DeAndre Jordan para makipagbalikan kay LaMarcus Aldridge.

Babalik na raw sa Nets si Aldridge, nag-retire limang buwan na ang nakakaraan dahil sa problema sa puso.

Ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN, nagkasundo si Aldridge at Brooklyn sa one-year, $2.6 million deal base sa pahayag ng agent niyang si Jeff Schwartz ng Excel Sports.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I retired in April based on what I believed was the wisest precautionary decision for my personal health at the time, but further testing and evaluation by several top physicians have convinced the doctors, myself and the Nets that I’m fully cleared and able to return to the rigors of the NBA,” anang statement ni Aldridge.

Malalim ang rotation ng Brooklyn kina Aldridge, Blake Griffin at Paul Millsap. Mainam na back up kina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden.

Nakaramdam ng irregular heartbeat si Aldridge sa isang laro kontra Lakers noong April, makalipas ang ilang araw ay nagdesisyon nang mag-retire.

Napunta ang center sa Nets matapos ang buyout ng kanyang kontrata sa San Antonio. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.