Abante Tonite Interactive

Aldridge, San Antonio hinagupit ang Thunder

0 115

Umiskor si LaMarcus Aldridge ng season-high 39 points at hinagupit ng San Antonio Spurs ang Oklahoma City Thunder 121-112 Huwebes ng gabi.

Nagsumite ng career-high 10 assists panahog sa 17 points at 8 rebounds si point guard Dejounte Murray. Naka-26 minutes lang ang 22-anyos na point guard, tuloy ang paglimita ng San Antonio sa kanyang minuto matapos lumiban noong nakaraang season kasunod ng right knee surgery.

Nagdagdag si DeMar DeRozan ng 16 points at 9 assists sa Spurs, namigay ng season-high 32 assists para putulin ang two-game skid.

Naputol naman ang two-game winning streak ng Thunder, pinamunuan ng 27 points ni Danilo Gallinari at 21 ni Shai Gilgeous-Alexander. May 19 points at 5 assists sa 31 minutes si Chris Paul.

Sa likod ng 8 for 12 combined shooting nina Aldridge at DeRozan, nilista ng Spurs ang season-high 33 points sa opening quarter. Sablay ang unang attempt ni Aldridge bago nagtuhog ng eight straight baskets at tumapos ng 19 for 23 mula sa field. (VE)