Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AlDub, KathNiel, LizQuen inokray ng director

0 653

ROLDAN CASTRO:Maraming fan ng AlDub, KathNiel, LizQuen, JaDine ang inaaway si direk Darryl Yap dahil feeling nila ay inookray nito ang loveteam sa ‘Pinas.

Post niya sa kanyang Facebook account, “Wala pa man, ginigiyera na ako ng mga solid loveteam fans—inaaway nila ako at sinasabi na bakit daw galit ako sa “love” malungkot daw ba kong tao?

“Wala pa po akong nilalabas na statement, patanong pa rin po ang tono ng title, at hindi pa po approved ang project.

“Wala naman pong masama sa title…

BAKIT SA PILIPINAS LANG MAY LOVETEAM.

“Di ko naman po sinabing

BAKIT SA PILIPINAS LANG MAY MGA TANGANG PANIWALANG-PANIWALA SA LOVETEAM GAYONG PINAGLOLOLOKO LANG SILA.

wala po akong sinabing ganyan.”

Saka na tayo mag-away pag naaprub na.”

Nagsimula ito sa post niyang “Okay, so nangako ako sa aking VIVA Films family na hindi ko muna ididiscuss ang tema ng gusto ko sanang maging susunod kong project pero heto ako…ididiscuss ko kasi ayaw nila ako payagan .

“After doing a Sharon Cuneta, habang tinatapos ang aming #Revirginized; we did #GLUTA— kinda felt they were approving “mabait” projects for me kasi nga meron akong gustong gawing baka di kayanin ng lahat.

“Knowing me—hindi na ko humihinto sa kakakumbinsi sa mga Boss ko na itong project sa isip ko ay isa sa mga magiging pinakamalapit at mahalaga sa akin; GUSTO KO TALAGA ITONG GAWIN. as in tang ina. Sa totoo lang,

“Wala pa kong masyadong kakampi para maipursue ang pelikulang ito; di ko alam kung natatakot ba ang mga superiors ko, o baka may iba silang plano para sa akin (kahit alam kong hanggang November ay may nakalign-up na ko. KAYA LANG— GUSTO KO TALAGA ITONG PROJECT NA ITO kaya nagpopost ako ngayon.

“Gusto kong maramdaman ng mga Boss ko na gusto ko silang suwayin dahil worth it ito.

“Sana hindi nila ako paluin sa pwet, bagkus pagbigyan ako sa isang nakakabaliw at nakakalokang project na ito.

“BAKIT SA PILIPINAS LANG MAY LOVETEAM” is a dream project; iniisip ko pa lang paano gagawin at ibebenta—naiihi na ko 7 drops.

“Gusto ko na talagang gawin ang pelikulang to dahil gusto ko nang mahimasmasan ang mga lokang-loka sa mga artistang malayo sa kung sino talaga sila.

“Alam kong maraming magtataas ng kilay,

“Magagalit at aaray sa mga magiging laman at eksena ng pelikula PERO HANDA AKO.

“Kahit ako pa lang mag-isa.

“Opo, I will be using real names,

“real events and real scenarios.

“Ang Hindi lang real ay ang pakitang-taong matagal nang ibibenta ng mga nakakasukang artistang ni hindi marunong magmahal pero binubuhay ng Loveteam.

“PWE.

“BAKIT SA PILIPINAS LANG MAY LOVETEAM?

“BAKIT SA ATIN LANG BUMEBENTA ANG PAGKAPEKE NG PAG-IBIG?

“BAKIT MGA PILIPINO LANG ANG NAUUTO NG KUNWARING PAGMAMAHAL.”

Mga ka-Cuatros, ano ang masasabi niyo sa konseptong ito ni direk Darryl ?

MILDRED A. BACUD: Tiyak na maraming fan ng mga loveteam ang magagalit kay direk Darryl sa ganitong pananaw. Bakit daw sa Pilipinas lang may loveteam? Marami rin naman sumikat na tambalan muna at pagtagal ay nagkaroon na ng solo career like Jolina Magdangal at Marvin Agustin, Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Sa Viva na lang na kung saan nagtatrabaho si direk ay maraming loveteam na pinasikat tulad ng Sharon-Gabby, JaDine.

Malalaking artista halos na produkto ng loveteam tulad nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla(KathNiel), Liza Soberano at Enrique Gil( LizQuen) at Alden Richards at Maine Mendoza ( AlDub).

Kahit n’ung mga panahon ng tatay natin may mga loveteam na. Ganun na namulat ang showbiz sa Pilipinas. Bahagi na ito ng success ng industriyang ito. Ang mga network at producers ay magbabase lang naman sa kung ano ang gusto ng mga fan. Hindi naman lahat ng loveteam ay nagkaibigan tulad nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo pero itinuturing silang pinakamatagumpay na tambalan.

ROMMEL PLACENTE:Plano ni direk Daryl Yna gumawa ng pelikula na ang titulo ay Bakit Sa Pilipinas Lang May Loveteam? Ita-tacle niya ang nalalaman niyang kunwakunwariang pagmamahalan o relasyon ng isang loveteam .

Sa opinyon ko mga ka-Cuatros,naniniwala naman ako na ang karamihan sa loveteam ay nagkakagustuhan talaga, na nauuwi sa relasyon.Nadi- develop.kasi sila sa isa’t isa dahil laging nagkakasama sa mga proyekto, di ba? Tulad ng loveteam noon nina Maricel Soriano-William Martinez,Sharon Cuneta- Gabby Concepcion,Nora Auno-Tirso Criz III at Vilma Santos-Edgar Mortiz,di ba’t nagka inlove-an ang mga ito? Hindi peke ang ipinakita nilang pagmamahalan.In fact,ikinasal pa nga sina Sharon at Gabby, di ba? Pero yun nga lang naghiwalay din ang mga ito.

Agree naman kami na talagang may loveteam na peke ang ipinapakitang sweetness at kunwari ay nagkakagustuhan.Gaya sa kaso noon nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.Sikat na sikat ang loveteam nila noon.At pinalalabas nila na may relasyon sila kahit wala.Kailangang gawin nila ‘yun para sa mga fan na sumusuporta sa kanila. Pero ang totoong karelasyon ni Echo ay ang dating aktes at TV host na si Cindy Kurleto. Hanggang sa totoong na-inlove na si Echo kay Kristine at nagkaroon na sila ng relasyon na nauwi rin naman sa wala.

RODEL FERNANDO: Malaki ang naitulong ng loveteam sa industriya.Kung ganito ang pananaw ni direk Darryl, Im sure marami talaga ang aalma. Hindi lamang mga faney pero mga producer at network din na nagbi-build up ng mga loveteam. Parang di rin naman ako agree na sa Pinas lang ang may loveteam, nakakasilip rin tayo ng Asian dramas at may mga loveteams din dun.

Sa Pilipinas hindi na mabubura ang mga loveteam. Oo may mga tambalan na fake, pakilig lang sa mga fan at sa totoong buhay may mga kanya kanya namang lovelife ang mga ‘yan tulad ng kasikatan no’n nina Sandara Park at Hero Angeles na sa totoong buhay at that time ay sila pala ni Joseph Bitangcol. Hindi naman ibig sabihin loveteam pinilit ng management na maging sila in real life. Ang binabawal lang ay habang may loveteam ay huwag maging lantad sa totoong lovelife nila tulad ni Bianca Umali na ka-loveteam si Miguel Tanfelix . Matagal din bago sila lumantad ni Ruru Madrid.

Leave A Reply

Your email address will not be published.