Abante Tonite Interactive

AlDub nag-date sa hotel

1,152

tonite-pak-allan-dionesAll-out support ang mga nagmamahal kay Alden Richards sa soldout concert nito na ‘Adrenaline Rush’ nu’ng Friday night sa Kia Theatre sa Araneta Center Cubao.

In fairness ay ang taas ng energy ng Pambansang Bae from start to finish. May maaksyong number siya na may pa-harness pa mula sa kisame ng Kia at ilang beses siyang hinagis-hagis ng dancers.

Napansin naming medyo mabigat ang katawan ni Alden sa mga lifting at pa-tumbling-tumbling niya, na malamang napagod na siya sa mga rehearsal at sa mga ginagawa niyang action scenes sa ‘Victor Magtanggol’, pero go, go, go pa rin ang Kapuso heartthrob.

Isa sa kuwelang highlights ng concert ay ang pambubuking ng isa sa guests niyang si Ai Ai delas Alas, na may kinalaman kay Maine Mendoza.

Bago nila tinapos ang kanilang Aegis duet, humirit ang komedyana sa audience ng, “Alam mo dati, nag-date sila ni Maine. Totoo ‘yon, nag-date sila… sa hotel!”

Tilian ang crowd na halatang kinilig sa chika ni Ai Ai. Si Alden naman ay panay lang ang halak­hak.

“Ayan, ah? Binigyan ko kayong tsismis. Noon pa ‘yon, noon pa ‘yon. Pero nag-date talaga sila!” sundot pa ni Ms. Ai na ikinatuwa ng audience.

Bago sila kumanta together ay itsurang may pa-tribute sina Ai Ai at Alden sa isa’t isa. Puring-puri ng Comedy Queen ang kabaitan ng Pambansang Bae, na kilala na raw niya bago pa ito sumikat.

Halos ganu’n din ang mga papuri ni Regine Velasquez-Alcasid kay Tisoy, na hindi raw nagbago ng ugali at tinawag nitong wonderful person.
Ang ganda ng moment ni Songbird dahil binati pa nito ang inang si Mommy Tessie Velasquez na numero uno raw fan ng AlDub loveteam.

Nasa audience siyempre si Mommy Tess, na ayon kay Reg ay naka-recover mula sa pagkamatay ni Mang Gerry 4 years ago dahil sa pagkainlab nito sa AlDub.

“So, malaki ang pasasalamat ko at ang utang na loob namin sa AlDub,” sambit ni Songbird, na best birthday ever daw ni Mommy Tess nang i-surprise ito noon nina Alden at Maine.

“She loves you and thank you for bringing happiness to my mother and the others who are here tonight,” pakli pa ni Reg, na tinilian ng AlDub fans.

“We will never ever get tired of thanking Mommy Tess ang everyone else, kami po ni Maine,” sey naman ni Alden, na umani ng mas malakas na hiyawan mula sa Kia audience.

Buhay na buhay ang AlDub fanatics nu’ng gabing ‘yon, si Maine lang ang kulang.

Alden, Ruru, Rodjun nagpasilip

Feeling ‘Magic Mike’ sina Ruru Madrid at Rodjun Cruz sa kanilang pa-yummy dance prod with Alden na naka-tank tops lang sila at panay ang giling.

Naaliw kami sa pa-abs (o patiyan?! Haha!) ni Alden sa ending ng kanilang hunkylicious number. Maging si Alden ay natawa sa pasilip moment niya na ‘yon.

Benta rin sa fans ang mga pakuwela ni Bentong Sumaya na nakipag-dance showdown with Tisoy.

May boyband medley si Alden kasama ang One Up boygroup ng GMA at kinanta niya with Ex Battalion ang ‘Superhero Mo’ na OST ng ‘Victor Magtanggol’.

Ang sabi ni Alden ay siya mismo ang pumili ng songs niya sa concert na ‘yon, so mas level up at mas personal ito kesa sa nauna niyang ‘Upsurge’ concert last year.

May portion na kinanta niya ang signature songs niya na ‘Wish I May’, ‘Haplos’, ‘God Gave Me You’ at iba pa, na bet na bet ng AlDub Nation at ng lahat ng fan clubs ni Alden na in-acknowledge niya lahat that night.

Bongga ang pasabog na surprise ni Alden para sa fans niya! Pumili siya ng isang lucky audience na nanalo ng free trip to Japan for two with free accommodations! Taruzsh!!

Hanggang sa encore number ni Alden ay ang taas pa rin ng energy niya at humahataw pa rin siya sa pag-sing and dance with his supportive fans, na sobra na naman niyang pinaligaya nu’ng gabing ‘yon!