Abante Tonite Interactive

AlDub, nagsilbing Dr. LOVE sa fans

Alden at Maine
14

SUMANGGUNI ang fans nina Alden ­Richards at Maine Mendoza sa kanilang dalawa para sa mga problema sa pag-ibig na napanood sa ­exclusive video ng ­Destined To Be Yours official website.

Tagos sa puso ang mga advice ng mga ito.

Maraming ­natutunan ang fans sa kanilang mga payo.

Pero sa mga karak­ter nilang sina Sinag (Maine) at Benjie (Alden), may maipapayo kaya sila?

Sa huling linggo ng Destined To Be Yours, kaninong ending kaya ang magiging happy?

Magkasundo pa kaya ang pamilya Obispo at pamilya Rosales?

***

Dumalo si Megan Young sa victory party ng Regal movie na Our Mighty Yaya.

Nagpa-picture sila ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Bulalas ni Mother Lily kay Megan, “Mas maganda ako sa ‘yo, ‘no?!”

Napaka-gracious ng pagkangiti ni Miss World Megan na umakmang isinalin ang korona niya kay Mother Lily.

***

Nawa’y matuloy ang sexy pictorial ng indie actor na si JM Martinez ­bukas nang gabi sa Pugad ng Puri.

Ito’y para sa version 2 ng all-male bikini show na ­Beyond Naked Buddies, na gaganapin sa Hunyo 20, Sabado, 9:00 PM sa The Music Hall, Metrowalk, Ortigas.

‘Di ba, Shobi Dionela at Leklek Tumalad (cell# 0927-488-6886)?

***

Noong Marso, ipina­labas ang teaser ng Kapamilya teleseryeng The Promise Of Forever.

Ang tsika, ipapalabas sa Abril ang drama series nina Ritz Azul at Paulo Avelino na nag-taping sa apat na bansa sa Europa.

Konting kembot na lang at matatapos na ang Mayo…

Nasa freezer pa rin ng ABS-CBN ang career ni Ritz.