Abante Tonite
Mabilis sa Balita

AlDub Nation wa epek ang parusa kay Maine

0 801

Lintik lang ang walang ganti! Iyan ang dramarama ng mga AlDub fantard. Kinakarir talaga nila mag-trend ang kanilang mga hinaing sa Twitter at pilit hinihimok ang dabarkads na huwag panooring ang “Daddy’s Gir;” at “Eat Bulaga.”

Poot na poot ang kakarampot na mga ito sa pagiging panauhin ni Arjo Atayde sa sitcom ni Nicomaine. Kung bakit ganiyan ang nararamdaman nila ay dahil sa ayaw pa rin nilang gumising na hindi lang tinuldukan, kundi may tandang pandamdm na talaga ang the phenomenal love team that was, ang AlDub.

Ayaw nilang paawat sa kanilang ilusyon na si Mendoza ay para lamang kay Alden Richards at ang Asia’s Multimedia Star ay tanging ang Philippine Sweethert lang ang dapat makasama sa mga proyekto o maging sa tunay na buhay.

Ang tanong, epektibo ba ang ginagawa nilang pangangalampag sa Twitter? Parang hindi naman. Patuloy pa ring pinapanood ang “Eat Bulaga” tuwing pananghalian at aminin man nila o hindi, marami ang naging mausisa kaya naging palong-palong sa ratings ang pagbisita ni Arjo sa sitcom nina Bossing Vic Sotto at Maine.

At saan galing ang entitlement niyo na kaya niyo talagang hikayatin ang mga manonood at totoong nagmamahal kay Nicomaine Dei na huwag itong subaybayan at panoorin?

Mga sakim pala kayo dahil gusto niyong parusahan si Maine dahil nga sa mahal nito si Arjo Atayde. Ampaw at supot naman ang balak niyong gibain ang mga palatuntunan na kasali ang idolo niyo.

Kung ganiyan ang mga pag-uugali niyo mga never say die Aldub fantard, hindi na nagtataka ang diva that you love kung bakit si Maine, pati na rin si Alden Richards, hindi kayo pinapansin.

Kakai trending kay Mario

Kahit saan anggulo tignan, sadyang katawa-tawa at nakakahibang ang demand letter mula sa pamunuan ni Mario Maurer para kay Kakai Bautista.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi kasalanan ni Bautista kung bakit time and again, binabanggit niya ang Thai actor kasi nga, sumasagot lamang ang theater actress turned comedienne sa mga tinanatong sa kanya.

Mas lalong hindi kasalanan ni Kakai kung saka-sakaling “humina” ang karera ni Mario dahil nine years ago pa nu’ng sila ay magsama sa isang pelikula.

Si Bautista, nasa “First Yaya” at kung ang pangyayaring ito ang dahilan kaya ang mga post niya ay tila pasaring sa kaganapan, karapatan naman niyang ipahayag ang kanyang saloobin.

Ikaw na ang malakas, Kakai Bautista! Number one trending topic k sa Twitter, ning!

Alden, Derrick bagay sa BL

May ilang obserbasyon na humihina na daw ang Pinoy BL dramas. Matapos mamayagpag ang tatlong pinaka-mallakas in terms of audience views and critical nods, ang “Gameboys,” “Gaya Sa Pelikula,” at “Hello Stranger,” ang mga kasalukuyang ipinalalabas nga ba eh not getting the love and support from the BL loving community?

Ang CaiReel at PangPang Couple led BLs, wala pang kasiguraduhan kung kailan eere muli sa YouTube. Matagumpay ang “Hello Stranger” na naging pelikula at wala pang may alam kung ang “Hello Boyfriend” ay mangyayari pa. Underperforming ang “Ben X Jim Forever” dahil hindi na ito libre, nasa paid streaming site na ito at hindi na ito pinag-uusapan.

Kaya nga, marami ang nanalig na dapat mas gawing stellar ang BL pairings at marami ang nag-susuhestiyon at nanalig na kung sina Alden Richards at Derrick Monasterio ay pagtatambalin sa isang BL romance drama. Pag pinagsama ang dalawa, puwedeng nerbiyusin ang tambalang Bright Vachirawit at Win Metawin dahil kapwa magandang lalaki, makisig, matikas at marunong umarte sina Richards at Monasterio. Bagay silang pagsamahin.
Halos magkasabay ang dalawa na nagsimula bilang teen idols sa Kapuso network at eventually, they made it on their own bilang mga heartthrob at dramatic leads.
Actually, naging trailblazer ang “My Husband’s Lover” nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez dati at hindi naging issue ang kanilang pagiging lalaki at pagkalalaki nu’ng binigyang buhay nila ang mga katauhan nina Eric at Vincent

Walang duda na pag sina Alden at Derrick ay naging bida sa isang BL drama, ang pagiging iconic at legendary nito ay isang understatement.

Leave A Reply

Your email address will not be published.