Abante Tonite Interactive

AlDub nilampaso ang KathNiel, JaDine sa Twitter chart

By
3,766

Nabuhayan na naman ng loob ang AlDub fanatics dahil ang paborito nilang loveteam ang nag-top sa inilabas na listahan ng Twitter Philippines.

Base sa pinakaunang Phili­ppines Entertainment Index that keeps track kung anong nangyayari sa Twitterverse, ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza pa rin ang nangu­ngunang loveteam sa bansa.

Ang nasabing Twitter chart ay sakop ang buwan ng January hanggang April 2018.

Malamang kalampagin na naman ng AlDub loya­lists ang GMA at ang Eat Bulaga para muling pagsamahin sina Alden at Maine.

Masyado kasing napu-frustrate ang supporters ng dalawa dahil parang wala nang plano sa mga ito at li­mitado na rin ang interaction nila maging sa Eat Bulaga.

Ang alam namin ay hindi na type ni Maine ang magteleserye at happy na ito sa EB. Wala ring balita tungkol sa movie na dapat ay gagawin nila.

Si Alden ay mukhang tuloy na tuloy na ang gaga­wing primetime fantasy series dahil nagsimula na ang taping nito.

Bukod sa AlDub, ang iba pang loveteam na pasok sa nasabing listahan ay MayWard nina Maymay Entrata & Edward Barber (#2), KissTon nina Kisses Delavin & Tony Labrusca (#3), DonKiss nina Donny Pangilinan & Kisses Delavin (#4) at nasa #5 ang JaDine loveteam nina James Reid & Nadine Lustre.

Bonggah pala sa Twitter si Kisses, dala-dalawa ang loveteam niyang kasali sa list.

***

Anne naungusan ni Vice

Pagdating sa listahan ng Top Female Celebrities ng Twitter ay nagreyna sa unang puwesto si Maine Mendoza.

Si Maine lang ang Kapuso sa listahan na panay Kapa­milya stars ang kasama niya.

#2 si Maris Racal, #3 si Loisa Andalio, #4 si Maymay Entrata at #5 si Kathryn Bernardo.

Masipag pala sa Twitter ang fans ni Maris dahil nasa 2nd spot siya kasunod ni Meng.

Nangabog naman si Vice Ganda sa Top Male Celebrities ng Twitter PH.

#2 si Donny Pangilinan, #3 si Alden Richards, #4 si James Reid at #5 si Ronnie Alonte.

Bukod tanging si Alden lang din ang Kapuso sa listahan na dominado ng Kapamilya stars.

Last year ay si Maine ang tinanghal na Most Tweeted Celebrity habang si Vice ang Most Followed Filipino Account sa nasabing microblogging site.

Nasa 11M na ang Twitter followers ngayon ni Vice. Ang dating reyna ng Twitter PH na si Anne Curtis ay 10.6M ang followers.

Si Maine ay 4.7M habang si Alden ay 5.1M ang follo­wers sa Twitter.

Ang Top Teleseryes naman ng Twitter PH para sa first quarter ng 2018 ay #1 La Luna Sangre, #2 Bagani, #3 Wildflower, #4 Kambal Karibal at #5 Sherlock Jr.

***

Kobe may kurot sa puso ang Mother’s Day message

Pagandahan ng Mother’s­ Day messages kahapon sa social media at ang daming celebs na nakaka-touch ang mensahe para sa kanilang ina.

Iba lang ‘yung dating sa amin ng post ni Kobe Paras sa Instagram for his mommy Jackie Forster, may kurot sa puso bilang matagal silang nagkaroon ng hidwaan at kamakailan lang sila nagkaayos after 12 years.

Nu’ng kainitan ng samaan ng loob nilang mag-ina ay hindi mo maiisip na darating­ ‘yung time na magiging ganito ka-sweet at ka-vocal si Kobe sa pagmamahal niya sa kanyang biological mom.

Naka-disable ang comments sa post ni Kobe, puwede lang mag-like.

Bago ito ay may isa pang post si Kobe na kiddie pic niya na nasa swimming pool silang mag-ina at ang caption niya ay, “My momma better than yours.”

May isa pa siyang post na tatlo sila nina Andre at ang caption niya ay, “Mi amigos for lifeeee.”
Sa IG stories ni Kobe kahapon ay parang may Mother’s Day lunch silang mag-ina. Si Andre ay parang dedma at walang touching post para kay Jackie.

Si Jackie mismo ay may makabagbag-damdaming IG post kahapon tungkol sa kanyang journey through motherhood. May nakaka-touch na comment dito si Kobe, na tila inlab na inlab ngayon sa kanyang Mommy Jackie!