Abante Tonite Interactive

AlDub, nominado uli sa PUSH

By
11

Pararangalan muli ng entertainment website na PUSH.com.ph ang celebrities at social media personalities na tinututukan at inaabangan ng fans at netizens sa online world (partikular sa Facebook, Twitter, Instagram at YouTube) sa PUSH Awards.

Nangunguna muli sa listahan ng mga nominado ang loveteams na KathNiel (Kathryn Bernardo & Daniel Padilla) at LizQuen (Liza Soberano & Enrique Gil) na kapwa nominado sa apat na categories — PUSH Like Group/Tandem (Facebook), PUSH Tweet Group/Tandem (Twitter), PUSH Gram Group/Tandem (Instagram), at PUSH Play Group/Tandem (YouTube).

Hindi paaawat sa pagboto ang fans ni Yeng Constantino na nangunguna sa nominasyon sa individual categories na PUSH Like, PUSH Tweet, PUSH Gram, PUSH Play Music Artist, at PUSH Play Female.

Nakikipagtunggali si Anne Curtis sa ­apat na PUSH Female categories.
Ariba rin sa botohan ang Hashtag member at PBB 737 housemate na si Zeus Collins na nominado sa apat na PUSH Newcomer cate­gories.

Ang AlDub, nominado sa tatlong kategorya!
Nominado si ­Alden sa tatlo pang ka­tegorya, samantalang si Maine ay isa lamang.
Sina James Reid at Vice Ganda ay nominado sa tatlong PUSH Male categories.

Para bumoto, mag-log in sa PushAwards.com at mag-register gamit ang Facebook account.

Anne Curtis
Anne Curtis

Maaaring bumoto isang beses kada araw sa bawat category.

***

CANDID pero isang nangangagat pa ring Dina Bonnevie ang nag guest sa Magandang Buhay.

Habang puno ito ng punchline at may detalye pa ng hindi pagbibigay ng suporta ni Vic Sotto sa anak niya noon na kinaya niyang mag-isa, binuhay pa niya ang frustration niyang mapasama sa international film na East of Eden na shinoot sa Australia.

Kung hindi raw nagbanta noon si Vic na hindi na niya makikita ang mga anak nito ay isa na raw sana siyang Hollywood star ngayon.
Ang tanong ng mga nakapanood, hindi ba masaya sa buhay si Miss D?

***

Nakakatawa ang comment ng isang bata sa CCP nang makita niya ang poster ng Tuos starring Ate Guy (na may puting buhok) with Barbie Forteza.

Ang sabi ng bata, “Mama, it’s ­Frozen.”
“Why?” tanong ng ina.

“It’s Elsa in ­Frozen.”
Alam ng bata, ha! Noranian kaya ‘yun?