Abante Tonite Interactive

AlDub project malabo

713

Pagkatapos maipareha kina Alden Richards at Carlo Aquino, pahinga muna si Maine Mendoza sa pakikipag-love team.

Katunayan, enjoy siya sa pagsosolo dahil gusto niyang patunayang kaya rin niyang gumawa ng pangalan na walang love team partner na iniuugnay sa kanya.

Kaya naman sa kanyang pelikulang “Mission Unstapabol: The Don Identity” na kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF), ang kanyang tatay-tatayan na si Vic Sotto ang kanyang partner in crime.

Ito rin daw naman ang direksyong gustong tahakin muna ni Maine ayon sa kanyang manager na si Rams David ng Triple A Management.

Wala siyang ka-love team dito dahil hindi raw naman ito isang love story.

Tungkol naman sa posibilidad na magkasama silang muli ni Alden sa isang proyekto, wala pa raw plano ang Kapuso dito lalo pa’t kapwa abala ang dalawa sa kanilang respective careers.

Ayaw ring magpaasa ni Rams sa mga fan hangga’t walang malinaw na proyekto sa dalawa.

Para sa mga ArMaine fans naman, wala ring plano ang APT Entertainment na pagsamahin ang real-life sweethearts na sina Arjo Atayde at Maine sa isang proyekto sa malapit na hinaharap.

Hirit pa niya, hindi rin daw sila ‘yung tipong nakikialam sa love life ni Maine dahil deserved daw naman nitong maging happy. Alam nilang matalino si Maine at kaya nang magdesisyon para sa kanyang sarili. (Archie Liao)