Abante Tonite Interactive

Aldub tuloy ang harutan –Jose

0 522

Ni Allan Diones

Itinanggi ni Jose Manalo na pinaghihiwalay na ang dating magka-love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa “Eat Bulaga.”

Sey ng komedyante, marami kasing portion sa “EB” at binibigyan ng kanya-kanya ang bawat host. Pero nagkakasama naman daw ang AlDub sa ‘Juan for All, All for Juan’ segment.

“Mas madalas, siguro sa isang linggo, isang beses, dalawang beses, kasama namin sila. Hindi naman siguro pinaghihiwalay,” bulalas ni Jose, na isa sa tatlong judges ng “StarStruck 7” kasama sina Heart Evangelista at Ms. Cherie Gil.

Sinabi rin ni Jose na hindi nag-iiwasan sina Alden at Maine. Nag-uusap daw ang dalawa.

“Parang mga bata ‘yung dalawa na ‘yon ‘pag nag-uusap, ‘yung magbiruan. Masaya, masaya kami.”

Hindi masabi ni Jose kung malabo nang magkaroon ulit ng ‘Kalye­serye’ dahil ang lagay naman daw na ‘yun ulit ang gawin nila? Pero wala raw siyang nakikita na pinaghihiwalay o pinaglalayo ang AlDub.

Pero naramdaman ba niya na may nagbago na kina Alden at Maine?
“Nagbago lalo si Meng, nagbago kasi, gumaling lalo si Menggay. Sa hosting, lumabas na ‘yung galing nu’ng bata sa paghu-host.

“Ganu’n din naman si Alden, hindi natin matatawaran. Pero ‘yung pagbabago sa kanila na ‘yung tinatanong n’yo ‘yung sweetness nila, ‘yung sweetness nandu’n, eh.”

Talaga?
“Oo. Naghaharutan ‘yung dala­wa.”

Ah, naghaharutan?
“‘Yung eeehhhh!!! (kunwari ay kinurot kami ni Jose) Gano’n. He! He! He! Nagbibiruan pa rin ‘yon,” nakangiting sambit pa ni Jose tungkol sa AlDub.