Abante Tonite Interactive

Alejano, bumabanat kay Digong dahil mag-eeleksyon – Palasyo

By
1,149

Binuweltahan ng Malacañang si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano dahil sa maling impormasyon na ikinalat umano nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ‘in aid of election’ lamang ang banat ni Alejano sa Pangulo.

“We hope the people will judge him accordingly,” dagdag pa ni Roque.

Sinabi ni Roque na hindi ito ang unang pagkakataon na idinepensa ng Malacañang ang kondisyon ng kalusu­gan ni Pangulong Duterte mula sa kanyang mga kritiko.

Una nang sinabi ni Alejano na matanda at may karamdaman na aniya si Pangulong Duterte at wala na itong kapasidad na mamuno sa bansa.

Sa kabila naman ng pahayag ni Alejano ay humarap si Pangulong Duterte sa publiko sa Cebu nang dumalo sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) Visayas Island Cluster na ginanap sa Cebu City noong Agosto 21 at sa 12th Founding Anniversary ng Eastern Mindanao Command sa Panacan, Davao City noong Agosto 23.

Ang nararanasan umano ni Pangulong Duterte ay pangkaraniwan lamang sa katulad nito ang edad.