Abante Tonite Interactive

Alejano kay Cayetano: Chill ka lang, walang pikunan

By
2,409

“Trabaho lang, walang personalan.”

Ito ang paliwa­nag ni Magdalo Rep. Gary Alejano sa kanyang mga hugot na ­batikos laban kay Fo­reign ­Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Partikular ito sa usapin sa West Phi­lippine Sea (WPS) at kung anong aksiyon ang ginagawa ng gobyerno sa mga inaasta ng China lalo na sa pinatinding militarisasyon ng mga Intsik sa mga pinag-aaga­wang teritoryo.

Abante Hiring – IT dep

Kamakailan ay nagdaos ng pagdinig sa Kamara at hinimay ang iba’t ibang isyu sa WPS.

Ayon kay Alejano, tila naghihimutok si Cayetano kung bakit hindi niya ibinulalas nang harapan sa kalihim ang pinanggaga­lingan ng kanyang mga banat.

Nilinaw ng solon na nirerespeto pa rin niya si Cayetano bilang opisyal ng gobyerno.

“Ngayon nasabi ni Secretary Cayetano, bakit hindi ko sinabi sa kanya nang harap-harapan. Because I res­pect them as government official. Hayaan natin silang magsalita,” pahayag ni Alejano sa isang panayam kahapon.

“Hindi naman ‘yung babastusin ko sila nang harap-harapan at sasabihin ko… ‘sandali muna, Secretary Caye­tano, ang haba na ng paliwanag mo, hindi mo naman sinasagot ang aming mga tanong. Tumi­gil ka muna dahil nagsisinungaling ka na’. I don’t want to say that. I allowed him because he is a government official,” dagdag nito.

Hindi umano nakagawian ng kongresista na mang-insulto sa harapan ng publiko.

“I am not in the habit of insulting them in public. Sa akin, sasabihin ko din ang part ko because I disagree.
This is part of the issue, this is not a personal issue,” giit ng ­solon.