Abante Tonite Interactive

Alejano ‘nakuryente’ sa pasabog sa West Philippine Sea — AFP

By
1,281

Itinanggi ng Malacañang ang pahayag ni Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano na ipinapatigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na imposible ang naging pahayag ni Alejano dahil walang ganitong aksiyon ang Pangulo.

Inilabas ng kalihim ang statement ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsabing kuryente o mali ang impormasyon ni Alejano.

Sa statement ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, sinabi nitong walang utos ang Pa­ngulo para ipatigil ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Kung hindi aniya kuryente ay isa itong malisyosong pahayag ni Alejano para kaladkarin ang Pangulo at ang AFP.
“I do not know where Cong. Alejano got that supposed instruction from the Commander-in-Chief.

Malamang kuryenteng balita yan if not yet another malicious imputation on the Pre­sident dragging the AFP in.” ayon sa spokesman ng AFP.

Tiniyak ni Arevalo sa sambayanan na hindi sila magpapadala sa mga malisyosong balita at magpapatuloy ang kanilang trabaho para protektahan ang soberenya ng bansa.