Abante Tonite Interactive

Alejano sa China: Patunayan n’yong kaibigan kayo ng ‘Pinas

0 348

Nagpahayag ng pagsuporta si Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano sa inilabas na posisyon ng Malacañang na igigiit ang karapatan ng mga Pinoy sa West Philippine Sea gayundin ang ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA) pabor sa Pilipinas.

Ito ay sa gitna ng pagdami ng mga sasakyang pandagat ng Chinese maritime militia malapit sa Sandy Cay na nasa kanluran ng Pag-asa Island.

“If the real intention of China is friendship, it should be true to its public pronouncements that what they seek is peace in the South China Sea.

They should respect the freedom of our fishermen to fish and our soldiers to patrol and resupply in our occupied islands. This will be a test to China’s credibility. Our friendship must be based on mutual respect and not only when the Philippines agrees with what they want,” pahayag ni Alejano.

Pinayuhan nito ang gobyernong Duterte na ipursige ang isang multilateral approach kaysa sa bilateral approach dahil marami namang stakeholder sa South China Sea na kapareho rin ng karaingan ng Pilipinas.

“While it may be inevitable that we deal with China, let us avoid putting all our eggs in one basket. Let us not be heavily dependent to them when it comes to trade, investments, sources of funds, and tourism. Ultimately, I call on China to respect the sovereignty of the Philippines and be a res­ponsible rising power that observes international laws,”ayon pa kay Alejano. (Aries Cano)