Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alert level 4 hahatulan ng IATF, mga NCR mayor

0 66

Wala pang desisyon kung itataas pa ang quarantine status ng National Capital Region (NCR) sa alert level 4 dahil pag-uusapan pa umano ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) gayundin ng mga alkalde sa Metro Manila.

Sinabi ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kasunod ng panawagan ng ilang eksperto na magpatupad ang pamahalaan ng alert level 4 sa NCR dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng COVID sa rehiyon.

“This will be discussed in the next IATF meeting,’’ ayon pa kay Año, sa isang mensahe.

Samantala, inihayag ng OCTA Research Group na sa kauna-unahang pagkakataon ay lumampas na umano sa 50 porsyento ang positivity rate ng COVID sa NCR na naitala noong Enero 7.

Ayon sa OCTA, nakapagtala sa NCR ng pinakamaraming kaso ng COVID mula Enero 2 hanggang 8 na umabot sa 8,468. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.