Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alert level 4: Kalinga, Ifugao, Mt Province, Northern Samar

0 154

Apat na probinsya ang itinaas sa alert level 4 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) dahil sa pagtaas ng mga kaso ng tinamaan ng COVID-19.

Kinumpirma ito kahapon ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagsabing ipatutupad ang alert level 4 sa Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Northern Samar simula ngayong Biyernes, Enero 21, hanggang Enero 31.

Sinabi ni Nograles na inaprubahan kahapon ng IATF ang pagtataas ng alert level 4 sa mga nabanggit na probinsya.

SM food to go Banner Ad

Samantala, inanunsiyo rin ni Nograles na inilagay naman ng IATF sa alert level 3 ang mga sumusunod na probinsya:

Apayao, Puerto Princesa City, Masbate, Siquijor, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao Oriental, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Surigao del Norte, Maguindanao, at

Basilan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. (Prince Golez/Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.