Alert level 4 sa NCR dapat balansehin

Iminungkahi ng dalawang aspirante sa lokal na posisyon sa lungsod ng Valenzuela na dapat balansehin ng gobyerno sakaling ilagay sa alert level 4 ang Metro Manila at magsagawa ng mga lockdown dahil sa pagsirit ng COVID-19.
Sa panayam ng Tonite kina Ricardo ‘Boy’ De Gula, vice mayoralty aspirant at Rizalino ‘Bong’ Ferrer, kandidato sa pagka-konsehal ng ikalawang distrito ng siyudad, dapat anilang balanse na pumapabor sa pamahalaan at mga residente na maapektuhan ng lockdown.
Una anilang dapat gawin ng gobyerno ay ibigay ang mga pangangailangan ng mga tao, gaya ng pagkain at gamot sa oras na ipatupad ang granular lockdown.

“Dapat po sapat sa ilang araw na lockdown ang supply na pagkain at hindi ‘yon isang araw lang na kakainin, kasi kawawa ‘yong mga mahihirap,” anang dalawang kandidato.
Pinakamaganda anilang hakbang na pabor sa mamamayan at sa pamahalaan ang paghihigpit sa hindi paglabas ng lansangan ng mga unvaccinated individual sa halip na mag-lockdown. (Orly Barcala)