Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alert level ng Mayon binaba

0 192

Binaba ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Alert Level status ng Mayon Volcano matapos maitala ang low level of unrest ng bulkan.

Unang binaba ang status ng Mayon sa 2 o moderate level of unrest noong Marso 2018. Pero ayon sa Phivolcs, hindi ibig sabihin nito’y tumigil na ang bulkan sa pag-aalburoto dahil may namuo nang eruptible magma sa ilalim ng edifice nito.

Pinapaalalahanan pa rin ang publiko na iwasan ang 6-kilometer permanent danger zone dahil sa posibleng pagbagsak ng bato, abo, at biglaang pagbuga ng bulkan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.