Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alert level sa NCR planong pahabain

0 64

Malaki ang posibilidad na palawigin pa diumano ng pamahalaan ang pagpapatupad ng bagong alert level system sa National Capital Region (NCR) hanggang sa Oktubre.

“Mayroong indication na base sa aming pag-uusap, na i-extend itong pilot testing sa NCR. Most probably, i-expect ng ating mga kababayan tuloy-tuloy ang alert level system until October,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III sa isang panayam.

Aniya, sa ngayon ay nakikita na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) ang epekto ng lockdown system, hindi lamang sa aspektong pangkalusugan, kundi maging sa ekonomiya.

“Mukhang nakikita natin nagkakaroon na ng epekto — not to mention, secondary na hangarin ay natutupad ‘yung nagkakaroon ng pagbubukas ng ekonomiya — nakakalabas ang ating mga kababayan para magnegosyo, kumita at magtrabaho,” paliwanag pa ni Densing. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.