Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alert status sa Luzon grid, inalis ng NGCP

0 196

Inalis nitong Miyerkules ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Red at Yellow alert status sa Luzon grid.

Ang mas mababang system demand umano ang dahilan ng pagalis ng mga naturang alert level.

“As of 3:21 p.m., red and yellow alerts have been lifted by NGCP for the Luzon grid due to receding system demand,” saad sa anunsyo ng NGCP.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Umiral ang Yellow alert mula alas-8:00 a.m. ng umaga hanggang alas-9:00 a.m. ng umaga, mula alas-5:00 p.m. ng hapon hanggang 6:00 p.m. ng gabi at mula alas-11:00 p.m. ng gabi hanggang alas-12:00 a.m. ng hatinggabi.

Samantala, itinaas ang Red alert mula alas-10 a.m. ng umaga hanggang alas-5:00 p.m. ng hapon at mula alas-6:00 p.m. ng gabi hanggang alas-10:00 p.m. ng gabi.

Nitong Martes isinailalim sa mga nabanggit na alert status ang Luzon grid dahil sa taas ng demand sa kuryente. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.