Abante Tonite Interactive

Alessandra 1 taon niligawan ni Boss Vic

539

Isa si Alessandra De Rossi sa mga bituin na may kakaibang personalidad. Iyon ay dahil sa kanyang paninindigan at matinding passion sa ginagawa niya. Sa 21 taon ng aktres sa showbiz, handa na siya muling yakapin para palawakin ang talento niya.

Magsisimula ang lahat sa pagbuo niya ng kompanya. Aniya, “Nagtayo ako ng company under Viva Corporation, ang pangalan niya “Awooo”, A world of our own ang ibig sabihin. ‘Yung name actually galing ‘yun kay Jules Ledesma, may brother-in-law, favorite expression ‘yung awoo tapos nilagyan niya ng meaning. Sabi ko, one day magtayo tayo ng company. ‘Yan ang name, the world of our own. Eh nu’ng eto na, sabi niya “Go, gamitin mo na ‘yung name, ‘kaw na bahala diyan, kaya mo na ‘yan.” It’s a corporation, so nagpa-manage na rin ako sa Viva para lahat ng projects ko, lahat na ng ideas ko nandito na.”

Kilala ang aktres sa pagiging pihikan sa mga project na ginagawa niya. Lahat ng ito ay naaayon sa prinsipyong pinanghahawakan niya sa buhay. Pero paano nga ba siya naging bahagi ng Viva?

Paliwanag niya, “One year ako niligawan ni Boss Vic? Oo, kasi siyempre nakakalito din ‘yung mayroon kang ibang management, tapos dito ka gumagawa. So, ‘yun na after a while na-realize ko na parang ganun din eh, in the end ako rin naman ang nagde-decide ng lahat ng gusto kong gawin. Ayoko ‘to, ‘di ko pwedeng gawin ‘to. Parang ako na lang, dito na lang sa company, parang ganu’n na lang nag-merge lahat. Kasi matigas ang ulo ko.”

Barbra Streisand gagayahin sa pagdidirek

Sa ngayon ay may nakalinya na umano siyang pelikula sa ilalim ng Viva Films.

“Yes, kasi minimum nga sana namin ni Sir Vic sa Awoo ay 3 films a year. Ready naman ang 3 films so, ready to shoot. Ano na lang leading man, ganyan. Mayroon ako isa with Direk Andoy Ranay. Siya ang magdidirek. Meron naman na ako magdidirek, ta-try ko lang kalaga, kapag ‘di nag-work, last ko na ‘yun, Pramis!”

Mas nakikilala na rin ang aktres sa talento niya sa pagsusulat at handa siyang palawakin ang kaalaman.

Aniya, “Yes, actually itong gusto kong idirek ‘yung Fuppy and Frim, ako rin ang nagsulat. Natuwa lang ako kasi napanood ko ‘yung ‘The Mirror has Two Faces’ tapos nakita ko written and directed by Barbra Streisand. Sabi ko really? Wait ka lang dyan ate. Siguro ako lang talaga yung tipo ng tao na hindi titigil kasi gustong i-try lahat. Hindi naman sa lahat magaling ako, eh.”

Balak kaya niyang mag-aral para mahasa pa ang kanyang kaalaman sa directing?

Pag-amin niya, “Honestly, may mga nagsabi sakin na mag-aral online at least ‘yung technical side lang pero ‘di kasi ako ganoong klaseng learner, ‘di talaga ako makikinig. Ang gusto ko ay isama ako sa shooting, manood ako ganu’n. ‘Yung mga kaibigan kong director kinukulit ko sila na isama ako. Gusto ko makita yung nasa likod ng kamera kasi tuwing nagte-taping ako. Nasa harapan ako, eh.”

Anong age na-discover ang artistic side niya?
“Bata pa lang ako, iba na talaga ‘yung .., Like for example sa mga project sa school. Normally nga sinisira ‘yung project ko ‘pag iniiwan mo para patuyuin. Kasi sa akin ‘yung pinakamaganda. Kunwari ‘yung mga simple na dikit dikit ka ng picture sa akin talaga naka-collage. Hanggang sa naging poetry, tapos sulat kaya ako kanta, naging album.

Sulat kaya ako movie, sulat kaya ako series. I think ano naman may sarili siyang flavor. May Alex touch naman.”
Kapansin-pansin rin na ang mga hugot sa pelikula ni Alex. Sino kaya ang naging inspirasyon niya dito?

Kuwento niya, “Mahilig ako makinig sa mga tao. Maraming tao na lumalapit sa aking for advice. Marami, everyday! Kahit sa Instagram, ‘yung mga strangers, ‘yung biglang “Alex ganito, buntis ako, di ko alam gagawin ko.” Parang bakit ako? Kasi natutuwa daw sila sa mga post ko, feeling nila I’m a very positive person, which is true naman.

Shock absorber ako, kaya ‘yung mga nasusulat kong linya, maybe before nasabi ko na before, nasabi na sa akin before ng harap-harapan na sobrang sakit. Doon nanggagaling ang sinusulat ko, hindi ako totoong writer. Hindi ako writer na puwede mong sabihin na Alex sulatan mo ako ng action film.”

Ayaw sa selfie, nandidiri sa sarili

Kasama sa pagiging artista ang kasikatan sa mga social media account. Ano kaya ang pananaw ni Alex sa mga artist na sinusukat ang success sa likes and views?

“Hindi ako ‘ yung klaseng tao na ‘yun. Like kung ibabase natin sa likes and views and all. Sa instagram ko, mas maraming likes kapag mukha ko and pictorial. Hindi ako nagpo-post ng mga ganun, ang pinopost ko ‘yung sky, mga magulang ko ganu’n. So I think hindi ako ang tipo ng tao na nagbabase doon. Nahihiya nga ako mag-selfie eh, di ko talaga kaya kasi nandidiri ako sa sarili ko. I think may sarili akong market, hindi pa sila marami pero we’ll get there.”’

Paano naman kapag pinapanood ng aktres ang sarili sa screen?’
“Ah okay lang ‘yun. Iba kasi yung selfie kasi parang ‘yung naghanap ng anggulo mo. Naniwala ka na this is your best angle at pinost mo siya, Pak. Ako talaga, mahiyain ako sa ganun. Pero bilib ako sa mga taong ang galing mag-selfie.”’
‘Di na nga ako ganun kaganda, wala pa ako hair’’
Marami ba siyang sinakripisyo sa pagpapakalbo?’

“Sobra, kasi after ko magpakalbo. Doon sa shooting, nakahiga na ako sa unan di ba. Ang hirap pala maging kalbo kasi parang tumutusok yung buhok sa unan tapos biglang di ako makatulog, na-realize ko. Ano kaya ibig sabihin di na ako magwo-work after this dahil wala na akong buhok, tapos wala pa akong ipon.”’
May mga offer pa ba after magpakalbo?’

“Andami, kaso kailangan naka-wig. So sabi ko ‘wag na lang po, kasi kung nakakabit ‘yan ng sobrang tagal, mainit and all. Ayokong uminit ang ulo ko. Alam mo naman stereotype, kapag bida dapat maganda, mahaba ang buhok, maputi, malaki ang boobs.’Eh, nasaan ang stereotype? Di na nga ako ganun kaganda, wala pa ako hair.”’

“Sana magawa ko ‘yung mga gusto ko, eto nga yung tatlong movie na nakaline-up. I think kailangan ko mag-TV. Although, hindi ko magawa kasi syempre ‘yung mga role nagre-require ng wig. Hindi ko kaya, nakadikit 24 hours sa ulo ko. So kailangan talaga, magpahinga ako and it’s also a good thing kasi kasama ko ‘yung pamilya ko. So, ‘yun lang ang focus ko sa ngayon. Pero sana makapag-TV na kayang tanggapin ang itsura ko sa ngayon,” pagtatapos niya.