Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alessandra binanatan ‘white sand’ sa Manila Bay

0 160

Dismayado ang aktres na si Alessandra de Rossi dahil sa paglagay ng synthetic na puting buhangin sa Manila Bay, na ginastusan ng milyones.

Ayon kay Alex, dapat ay madaliin na ang pagpapatapos nito at baka mabusog nito ang mga nagugutom na Pinoy dahil sa magandang view.

“Pakibilis-bilisan naman ang paglatag ng white sand sa Manila Bay para sa mental health ng lahat. Baka sakaling wala nang magutom dahil busog na sa view,” saad ni Alessandra na may hashtag na #ayudaparamasa.

Marami ang pumuna sa aktres, sinabi na hindi naman nanggaling sa pondo para sa COVID-19 ang P397M na ginastos para sa proyekto ng Department of Natural Resources.

Pero paliwanag ni Alex, lahat ng tao ay nag-adjust dahil sa pandemya, at maging siya ay hirap ding kumita dahil mas kailangang tumulong sa iba sa panahon ng health crisis. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.