Abante Tonite Interactive

Alessandra ‘di pasaway sa producer

479

tonite-this-is-it-roldan-castroPoster pa lang ng bagong pelikula ni Alesandra de Rossi ay pasabog na. Mukhang pang-award. Ito’y pinamagatang “Intercedente (A Mother’s Prayer)” na handog ng Myles Entertainment ni Ms. Emmalin C. Andaya.

“Si Alex laging take 1 hindi siya nag-take 2,” papuri ng producer na si Ms. Myles.

“Mahusay na aktres si Alex. Napaka-down to earth. In between ng set nag-knock knock jokes lang kami tawanan lang nang tawanan. Sabay-sabay rin kami kumakain,” kuwento pa niya.

Kumusta naman ang pagpo-produce ng pelikula? Hindi ba sumakit ang ulo niya?
“Mixed emotions ang pagpo-produce. I love it!!!,” pakli ni Ms. Myles.

“Masaya sa set, chill lang at parang may party lang lagi,” dagdag pa niya.

Nakatakdang matapos ang shooting ng nasabing pelikua ngayong linggong ito.

Bukod kay Alessandra kasama rin sa pelikula sina Angelina Kanapi, Dexter Doria, Marcus Madrigal. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jill Singson Urdaneta.

Samantala, pasabog din ang topless photo ni Alex sa Instagram. Maganda ang feedback ng netizen sa sexy photo niya.

“Wow!! Kabog! If u got it, flaunt it. U go gurl.”

“Si Alex talaga ‘yung hindi bastusin kahit topless na.”
Boom!