Abante Tonite Interactive

Alessandra, Jason trip rumaket

789

NI: ARCHIE LIAO

Apektado ang raket ng mga artista sa ipinatutupad na lockdown dala ng pagkalat ng mapanganib na COVID-19.

Katunayan, lahat ng movie at teleserye productions ay nahinto indefinitely habang nag-oobserba ang lahat sa situwasyon.

Kaya naman, dahil naka-self-quarantine ang mga celebrities, ito iyong pagkakataong may panahon sila para magpost sa social media at pumatol sa kanilang bashers.

Kung dati-rati, hindi rin sila ganoon ka-vocal sa usapin tungkol sa politika,ngayon nagagamit na rin nila ang kanilang estado bilang influencers to speak up their minds.

Lately,naging kontrobersyal si Alex sa reaksyon niya tungkol sa pagbabanta ni Digong sa mga leftist groups . Pati na rin sa mga mamamayang sumusuway sa alintuntunin ng quarantine.

Kwela nga ang kanyang tweet noon niya na “Ba’t umabot sa patayan? Di ba pwedeng batuhin na lang ng pancit canton. Ganyan.”

Sa latest tweet naman ni Jason Abalos na “Paano po maging troll? Para naman may income ako habang quarantine” umiskor na naman ang award-winning actress.

Sey niya: “Gusto ko din.Kaso noong kontrabida roles ko, nagpalpitate ako tsaka acidity dahil dapat lagi akong galit sa script ,hindi ko kinaya .GV na lang.”

Si Alessandra ay isa sa mga paboritong i-bash ng DDS supporters. Ito’y dahil sa kanyang stand sa mga isyung kinakaharap ng administrasyon.

Tonite – Wendys Inhouse Ad