Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alessandra muntik ipagbuntis ang baby ni Assunta

0 49

NI: ARCHIE LIAO

Matagal din ang hinintay ni Alessandra de Rossi para matupad ang pangarap na magkaroon ng pamangkin sa kapatid na si Assunta.

Aminado kasi siyang halos sukuan na niya ang ideyang mabubuntis pa ang kanyang Ate lalo na’t may problema ito sa matris.

SM food to go Banner Ad

Sa panayam sa kanya sa programang “I Feel U,” ibinunyag pa niyang nagprisinta siya bilang surrogate mother sa ate niya matapos hindi naging matagumpay ang IVF procedure ng mag-asawang Assunta at Jules Ledesma.

“Nung nagpa-IVF siya tapos hindi nag-work, may dalawa pa siyang eggs na natitira. Tapos sabi niya, ‘Ayaw ko na siya pagdaanan. Ayaw ko na pagdaanan ‘yung feeling.’ Sabi ko, ‘Gusto mo ba ako ang magdala? Wala rin naman akong direksyon sa buhay,’” ani Alex.

Hirit pa ng aktres, handa siyang gawin iyon nang libre para sa kapatid ngunit tinawanan lamang siya umano nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.