Abante Tonite Interactive

Alessandra nawindang sa kalagayan ng magulang

1,419

NI:ROLDAN CASTRO

Nag-aalala si Alessandra de Rossi sa kanyang mga magulang na nakatira sa Italy.

May hugot siya sa Instagram na napakahirap daw ang malayo sa magulang.

“#prayforitaly hirap malayo sa pamilya. Nakakabaliw,” post ni Alex.

Hindi lingid sa lahat na nangunguna ngayon ang Italya sa mga bansang apektado ng COVID-19 pandemic.

Sey niya: “Father’s day pala sa italy ngayon! My pepito, please stay locked in your home. Please help me pray for italy 🙏🙏🙏 and for @ermatsko who will be flying from canada pabalik ng italy very soon. Lord, please keep everybody safe. Salamat sa lahat ng may oras magpray with me! Much appreciated 🙏🙏🙏❤️❤️❤️ may God bless us all!

Pinalakas naman ng mga netizen ang kanyang loob. Nag-alay rin sila ng dasal para makaligtas ang parents niya sa COVID-19. Dahil ditto, nagpasalamat ang magaling na aktres.

Tonite – Wendys Inhouse Ad