Abante Tonite Interactive

Alessandra panlaban sa Oscars ang pelikula

597

Naniniwala ang American-Indian filmmaker na si Ben Rekhi na kayang makipagtalbugan ang mga pelikulang Pilipino sa Oscars.

Puwede raw ipanglaban ang movie niyang“Watch List.” Pinagbibidahan ito nina Alessadra de Rossi, Jake Macapagal, Art Acuna, Angeli Bayani, Micko Laurente .

“It’s a very human story. As it’s most basic, it’s about the lengths of a mother who will go to protect her children,” sey pa niya.

Ang Watch List ay umikot na sa mga international filmfest gaya ng Deauville American Film Festival, Seattle International Film Festival, Bahamas International Film Festival, International Film Festival of India, Nashville Film Festival and Mill Valley Film Festival. Nanalo na rin itong Most Disturbing Fiction Film Award sa 2020 Tournai Ramdam Festival sa Belgium.

Hanga si Ben sa husay ng apat niyang bida. Naibigay raw ng mga ito ang mga akting na hinahanap niya sa bawat eksena.Showing na ngayong araw na ito ang “Watch List”. (Roldan Castro)