Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex 1 billion view na sa YT

0 38

Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng career ni Alex Gonzaga bilang vlogger and in fact, may panibagong milestone na naman siya sa kanyang YouTube channel.

Ipinagdiriwang ngayon ni Alex ang pagkakaroon 11 milllion subscribers and a total of 1 billion views sa kanyang mga video.

“NETIZENS!!! We are now 11M and we have 1Billion views over all!!!! Thank you thank you!! Best way to celebrate our 4th year together! To God be the Glory!” ang saad ni Alex sa kanyang Instagram page.

Dumagsa naman ang pagbati sa kanya ng mga kasamahan sa industriya at nangunguna na nga ang kanyang bayaw na si Paul Soriano.

“Nice one sis congrats,” komento ni direk Paul.

Ang best friend niyang si Luis Manzano ay nagpaabot din ng kanyang pagbati. “Congrats Ate!!!” aniya.

“Congratulations Catherine!!!! Soooooo proud of you beyond words!!! You deserve it ALL!!!!!” sey naman ni Mariel Rodriguez.

Nag-congrats din sina Matteo Guidicelli, Jessy Mendiola, Alessandra de Rossi, Bianca Gonzalez, Rodjun Cruz at marami pang iba.

Matatandaang nagsimulang mag-vlog si Alex noong 2017 at ang lagi nga niyang sinasabi kapag naiinterbyu, hindi niya akalaing magiging ganito ka-successful ang kanyang channel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.