Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex abante sa Milan finale

0 39

Muling nagpaisklab si Pinay netter Alex Eala nang makapasok sa finale ng Trofeo Bonfiglio girls singles sa Milan, Italy.

Nakaapak ito sa finals nang matalo niya Sabado ng gabi sa semifinal round ang pambato ng Russia na si Mira Andreeva, 7-5, 6-2.

Sa unang round ay hindi naging madali para makaungos ang Pinay tennis star nang halos tumabla ang iakor sa 5-all, na kalaunan ay nalampasan din niya.

SM food to go Banner Ad

Pagdating sa 2nd round, kahit lamang ay hindi na nagpaka-kampante si Eala, Globe ambassador, nang tambakan pa niya ang kalaban sa 4-1 hanggang sa matapos ang laro.

Makakatapat ni 16-anyos Alex sa final round ang magwawagi sa bakbakan nina Czech Republic player Nikola Bartunkova at Clervie Ngounoue ng US. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.