Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex, Bayani, Wacky tsinugi sa show ni Luis

0 200

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ngayon si Alex Gonzaga dahil balik daw ito sa pagiging NPA meaning “no permanent address.”

Balik-TV 5 ang dating ‘Babaing Hampaslupa’ pagkatapos na mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Matatandaan kasing sa Kapamilya network sumipa nang husto ang career ni Alex bilang aktres at TV host.

Noong kasagsagan ng isyu tungkol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, nakuwestiyon din ang kakulangan ng suporta nito sa istasyon na naging tahanan niya ng maraming taon. Naakusahan din itong isang DDS.

Kinuwestiyon din umano ang loyalty nito sa network na nagpala sa kanya pagkatapos na hindi siya diumano mag-klik sa Kapatid network noon.

Sey ng ibang bitchy netizens, parang malabo rin daw ang future nito sa show na sinalihan dahil one of those stars lang daw naman ito sa nasabing noontime show.

Kasama niya sina Bayani Agbayani at Wacky Kiray na nasa TV 5, ligwak na rin ito bilang SING-vestigator sa nagbabalik na mystery singing show na I Can See Your Voice ni Luis Manzano sa A2Z Channel 11.

Pinalitan sila nina Negi, Eric Nicolas at Long Mejia.

Na-retain naman sina Angeline Quinto, Andrew E, at Kaladkaren sa panel of SING-vestigators.

Leave A Reply

Your email address will not be published.