Abante Tonite Interactive

Alex ‘di matanggihan ni Toni

863

tonite-this-is-it-roldan-castroHindi matiis ni Toni Gonzaga ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga. Sumuporta talaga ito sa kanyang pelikulang “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka”. Prodyus ito ng Wilbros Films ng magkapatid na Glenn at Wilson Llamas.

Hindi raw nagdalawang isip at hindi mahindian ni Toni si Alex. Nag-guest talaga siya sa naturang pelikula.

Dahil indie ito, hindi rin nagpabayad si Toni sa pambabraso ni Alex. For the love talaga.

Ka-partner ni Alex sa pelikula si Vin Abreni­ca. May photo nga sila na nasa Instagram account ni Gonzaga. Ang caption nito ay “Ganun ka-sakit kasi naging ganun ka-saya….. #NakalimutanKoNa sept 19 na.”

Nasa cast din sina Rufa Mae Quinto, Jayson Gainza, Loisa Andalio, Alora Sasam, Joj Agpa­ngan, Jai Agpangan,­ Ricci Chan, Juan Miguel Severo at Keiko Necesario. Idinirek ito ni Fifth Solomon.

Julie Ann Mutya ng Lucena

Pambato ng Lucena si Julie Ann Gil para sa Mutya ng Pilipinas. Siya’y 21 years old. Hotel and Restaurant Services graduate.

Lumahok siya ng Mutya ng Pilipinas para kung sakaling masungkit ang titulo ay makatulong siya sa pamilya. Para na rin daw ito sa magandang future niya.

“My advocacy is to help street children. To encourage them that no matter how hard life is, they should not forget their dreams no matter what. That determination and hard work are very important,” deklara pa niya sa isang pana­yam.

Masungkit kaya ni Julie Ann, candidate #41 ang korona ng Mutya ng Pilipinas sa September 16 sa Mall of Asia Arena?

Cast ng ‘Victor Magtanggol’ inaabangan

Kakaibang saya para sa ating mga Kapuso ang dala ng Victor Magtanggol stars na sina Alden Ri­chards, Janine Gutie­rrez, Andrea Torres at Pancho Magno.

Pinatunayan ito ng jam-packed na mga fans na dumalo sa magkakasunod nilang mall shows sa Bacolod at Cebu. Saan kaya ang susunod na lugar na bibisitahin nila dahil inaabangan sila?

Samantala ngayong nakilala na ni Hammerman ang Pamilya Regalado, matutuklasan kaya niya agad ang totoong hangarin ni Hector (Eric Quizon)? Tutok lang sa Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad.

***

Marami naman­ ang nagtatanong kung kailan makakasama ni Mikee Quintos sa kanyang vlogs ang mga kasamahan niya sa GMA Primetime series na ‘Onanay’. Pagkatapos kasi ng inabangang eksena nila ni Cherie Gil na pagtatapon ng tubig sa kanya, mas marami pa ang na-excite sa susunod pang mangyayari sa serye.