Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex di totoong purdoy

0 151

NI: Archie Liao

Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang pag-amin ni Alessandra de Rossi kay Luchi Cruz-Valdes sa”Usaping Real Life” . Sinabi ng aktres na P18,000 na lang natitirang pera sa kanyang savings at malapit na siyang mabangkarote.

Dahil dito, maraming mga kaibigan at kakilala ng aktres ang tumawag sa kanya para mag-alok ng tulong.

Kaya naman, nilinaw ni Alex ang kanyang naging pahayag sa nasabing programa.

“Whaahahahaha! Tawang tawa ako sa mga tumatawag para mag offer ng help dahil hindi napanood na buo yung interview! Maraming salamat, at least meron may paki! Para malinaw, ‘HAD’ yung sinabi ko! Pero maraming salamat sa mga offers! Nakaka-touch pa rin,” aniya.

Meron namang netizens na pinagdududahan ang kredibilidad ng award-winning actress.

Hirit nila, milyonarya raw naman ang kapatid nitong si Assunta na minsang ipinagtanggol pa niya dahil nabatikos nang ibunyag nito kada ikatlong linggo nagpapa-swab test ang kanilang mga empleyado.

Meron ding nag-uurot na binigyan pa ito ng blank check ng mga kaibigang sina Piolo Pascual at Direk Joyce Bernal bilang regalo.

Paliwanag pa ni Alex, iba raw ang ‘have’ at ‘had’ at so far, maluwag na raw ang kanyang finances.

Dagdag na depensa ng ilan, kumita pa nga ito kamakailan dahil nagbenta ito ng kanyang sasakyan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.