WebClick Tracer

Alex Eala hayahay buhay sa labas ng tennis world

ABANTE TONITE

Kahit sobrang napakaabala ni Alexandra Eala sa paglilibot sa iba’t ibang panig ng mundo sa paglalaro, masaya naman ang kanyang buhay sa labas ng tennis.

“Yes, I have a life outside tennis. It’s something I put effort into nurturing, because a lot of the time, especially, when I’m traveling so much for my job,” anang 21-anyos, 5-9 ang taas na kaliweteng tenista at tubong Quezon City nitong Martes.

“I’m sure a lot of you can relate that sometimes your career can become your whole life, and the work-life balance becomes imbalanced,” hirit ng Globe Ambassador at reigning Women’s Tennis Association world No. 28 singles player.

Sa ngayon patuloy nakikipagkaibigan si Eala sa mga kapwa WTA campaigner, sumasama sa lakaran kung kaya ng schedule, gaya ng beach swimming at pamamasyal din sa magagandang lugar na napupuntahang mga bansa.

Kasalukuyang naghahanda na siya sa susunod na mga torneo, pinamalaki ang ikaapat na Grand Slam sa taong ito na US Open sa New York sa papasok na buwan.

Nakatuon din si Eala sa Mubala DC Open sa Washington D.C. (July 27-August 2), National Bank Open sa Toronto, Canada (Aug. 1-13) at Cincinnati Open sa Ohio (Aug. 8-23). (Abante Tonite Sports)