Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex hilaw magbida

0 218

Kumusta ang public acceptance at reception ng “Love The Way U Lie” sa Netflix? Balitang #1 trending ngayon sa Netflix-PH.

May isang kaibigang film reviewer ang tinanong ko kung kamusta ang pelikula. Nagpakatotoo naman siya sa kanyang mga pakiwari. Siyempre, not wanting to be unfair to the movie, pinanood ko tuloy ito para malaman kung bakit umarko ang kanyang kilay.

Sa plus factors muna tayo, ang ganda-ganda ng Maynila sa movie. Beautifully photographed at in fair Verona, malinis. Walang kalat. Parang walang alikabok sa Quiapo, Binondo at Intramuros. Ang ganda ng Maynila sa movie, pramis.

Xian nagbuyangyang ng utong

Pangalawa, bet ko na ang daming beses na binuyangyang ni Xian Lim ang kanyang mala-dad bod na pangangatawan. Best in ang pa-utong, check! May pasilip pa sa buhok sa kili-kili, sa may armpit hairs fetish, check na check. At may eksena pang naliligo sa shower at basang-basa, triple check!

Juice colored. Sa true lang, di ko maipaliwanag kung bakit parang nag-iinit ang katawan ng diva that you love tuwing nakikita ko ang hubad na katawan ni Lim, huh!

SM SuperKidsDay Banner Ad

At ang director, parang may crush kay Xian, alagang-alaga ang mga anggulo niya. Ang guapo lagi sa screen.

O baka naman ako lang ang guapong-guapo at my TONITE readers, alam niyo na dapat why. Hahahaha.

Sa cons na tayo, eh sa talagang dalawa lang ang feel kong pros, noh. Hindi pang-leading lady si Alex Gonzaga. Mas kwela pala pag support lamang at pasulpot-sulpot sa mga eksena. Hindi rin pala siya kagalingan sa pagganap. Parang mas kuwela siya sa vlogs niya at maaing sa totoong buhay. Kuwela rin siya pag nag-aasaran sila ni Luis Manzano. Pero dito, sa true lang lagi tayo, imposibleng manalig ka na ang kagaya ni Nathan (katauhan ni Xian) ay magkakagusto at eventually mai-in love sa kanya bilang si Stacy. Wala silang magic. Walang spark. Sila ni Xian yung perfect example tungkol sa not having a chemistry at all.

Mas may chemistry pa sina Kylie Versoza at Lim, sa true lang tayo ulit.

At please, huwag na nating ipilit na parang “Ghost” ang movie. Nakakahiya naman sa classic pelikula ni Demi Moore dahil langit at lupa ang agwat nila, lalo na sa storytelling and characters na you will believe. It is definitely no way near the said movie.

Kung hindi kayo nanalig sa mga sinulat ko, then by all means, take the risk at panoorin ang “Love The Way U Lie.” After all, subjective naman talaga ang pagkakagusto sa isang pelikula. Just don’t tell me na hindi ko kayo kinudan about it.

(Alwin Ignacio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.