Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex ‘inapi’ ni Toni

0 227

Nag-ala ‘Princess Sarah’ ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga bilang kanilang paggunita sa Halloween.

Kung sa iba ay nakakatakot na costume ang sinusuot, ang childhood cartoon naman ang binigyang-buhay ng magkapatid sa kanilang Halloween costume na ibinahagi naman nila sa kanilang Instagram.

Si Alex ang gumanap na Princess Sarah, isang batang babaeng inaapi at bida ng nabanggit na palabas.

Benta sa mga netizen ang costume ng dalawa. Hindi rin nawala ang patatas na hawak ni Alex. Ito ‘yung trademark ni Princess Sarah.

Samantala, si Toni ang gumanap na Miss Minchin, o ang masungit na kontrabida.

Biro ni Alex sa caption, parang sa totoong buhay lang umano ang mga role ng kanilang ginayang karakter.

“Si miss Minchin at si princess Sarah.. parang totoong buhay lang ah hindi costume,” biro ni Alex. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.