Abante Tonite Interactive

Alex inokray sa kataklesahan kay Isabelle

By
6,494

ANG daming naaliw sa sagutan nina Alex Gonzaga at Isabelle Daza sa Ins­tagram although marami rin ang tila naka-misinterpret at na-bash ang una ng mga fan ng huli.

Nag-post si Isabelle ng larawan niya when she was still pregnant at sa caption, she wrote, “Can’t believe that my son was in my belly 10 days ago?!?! I still had maternity content.”

Nagkomento si Alex ng “Sana nagsuklay ka” na sinagot naman ni Isabelle ng “@cathygonzaga it’s the messy look. But you wouldn’t understand.”

Natawa ang mga netizen sa comment ni Alex pero marami ring nainis at binash-bash na siya.

“@cathygonzaga at least po sya kahit d nagsuklay at buntis magnda pa rin at natural na ganda, hndi tulad mo retokada… be gentle sa mga bagong panganak or sa mga post ng buntis,” komento ng isa.

Sabi naman ng isa, “@cathygonzaga Don’t leave comments like this to women who just gave birth. They’re twice the feisty ones than they already are. Read: post-partum thing. Ask your sister for reference.”

May nagkomento ring kaya ayaw niya raw kay Alex ay dahil masyado raw itong taklesa. Ang dami pang mga panglalait ang natanggap ni Alex although ang dami rin namang nagtanggol sa kanya.
Ayon sa ilan, magkaibigan daw sina Alex at Isabelle kaya huwag seryosohin ang sagutan ng dalawa.

“Wala silang pakelam sa mga comments nyo, friends sila and they even bother sa mga pinagsasabi nyo, joke is joke,” comment ng isang netizen.

Hirit naman ng isa, “Ang problema lang nga khit pa sabihin magkarugtong bituka na cla sa closeness nila pero ilagay sa lugar ung tinatawag ng iba humor daw..10 days pa lang kppanganak ni belle nasa stage yan na magkaroon ng postpartum…un lang caption ni belle at yung sagot nya sa comment ni alex…eh d nilagyan nya ng emoji sigh as joke…belle is beautiful…so simple and natural.”

May mga nagsabi rin na close talaga ang dalawa at madalas daw talagang mag-asaran ng mga post.

Jennylyn nagkasakit sa SKK Tour

MASAYANG-MASAYA si Jennylyn Mercado na uuwi ng bansa mula sa Sikat Ka Kapuso shows niya with Alden Richards, Dennis Trillo, Lovi Poe, Betong and Dingdong Dan­tes na ginanap sa New Jersey and Toronto. Ayon sa manager ng Ultimate Star na si Becky Aguila, the two shows were both successful kaya sobrang happy ng buong team.

Sa Facebook account nga ni Jen ay nag-post siya ng mga larawan at makikita sa background ang napakaraming taong nanood ng show at punong-puno ang venue.

Bagama’t nagkasakit si Jen, ipinakita pa rin daw ng aktres ang pagka-professional at nag-perform pa rin.

“Nagkasakit si Jen, colds, cough, fever, but the show must go on. And she did very well sa performance niya. The Pinoys both in Toronto and New Jersey had a great time watching the SKK concert. Pauwi na sila today,” ang text sa amin ni tita Becky kahapon.

‘Yun nga lang, hindi pa magaling si Jen kaya uuwi siya sa bansa na may sakit pa rin. She’s scheduled to arrive this morning at magpapahinga muna. On Monday, balik-taping na siya ng The Cure teleserye nila ni Tom Rodriguez na malapit nang umere sa GMA-7.

Ina pang-men’s mag ang kaseksihan

JOIN na rin ang cha­racter actress na si Ina Feleo sa mga celebrities na nagpapatalbugan ng kani-kanilang sexy pho­tos sa social media.

Nag-post si Ina recently ng mga larawan niya in sexy two-piece swimsuits habang nasa beach siya and in fairness, ang hot-hot at ang sexy-sexy niya tingnan.

“This is so random, but—5 facts about me you don’t know (I see people doing this and I’m so interested reading random stuff). 1. I am not very nice when I’m hungry, i think the term HANGRY was made for me 2. My ultimate idol as a kid was Geneva Cruz and Smokey Mountain, i used to cut up dresses and make them look like rags and I’d lipsynch Anak ng Pasig with feelings 3. My first crush however, at 4years old, was Monsour del Rosario 4. I didn’t want to be an actress when I was younger, my first dream was to become an Olympic figure skating champion 5. The best most horrific horror movie for me to this date is Child’s play. Chuckie is wildly scary. On that note, goodnight!” ang caption ni Ina sa isa niyang larawan na naka-sexy two-piece.

May kuha rin siyang nakakapit sa motorsiklo ha­bang naka-two-piece sa tabing-dagat at para siyang sexy model sa naturang shot.

In fairness, pwede si Ina na maging calendar girl or cover girl ng isang men’s mag. She’s so sexy pala. Nang i-stalk nga namin ang mga posts niya, we learned na nagdyi-gym pala siya. That explains kung bakit ang ganda ng katawan niya.

Hindi kami magtataka if one of these days, makita na natin siyang cover girl ng FHM.