Abante Tonite Interactive

Alex itinatwa ang mga Marcos

0 2,777

NI: ARCHIE LIAO

Nag-emote si Alex Gonzaga tungkol sa kanyang panalangin na unahin ng mga politiko ang kapakanan ng kanilang constituents kesa sarili sa nangyayaring kalamidad sa buong bansa.

Aniya :”Lord, please touch all our leaders/authorities to use all our calamity funds for the people. In this time, wala na sana ma-tempt magtago for personal interest. People are dying and sacrificing their lives. This is my prayer.”

Pagkatapos niyang mag-tweet, isa namang netizen ang nagsabi sa kanya na i-forward ang mensahe niya sa Marcoses.

Sey kasi ng netizen, close ang pamilya nito kay Bongbong Marcos.

Game naman niyang sinagot itong “Kilala,

yes ‘coz of our in law. Close? Hindi.”

Matatandaang noong 2016 presidential elections ,sinuportahan ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano ang kandidatura ni Bongbong Marcos bilang vice president. Naging ninong nila ito sa kasal.