Abante Tonite Interactive

Alex mas yayaman sa vlog kesa pag-aartista

703

Kahit hindi na magkaroon ng TV show, pelikula o teleserye, buhay na buhay na si Alex Gonzaga dahil patuloy ang paghataw niya sa pagba-vlog.

Katunayan, siya na ang itinuturing na number one vlogger ngayon dahil milyon ang kanyang followers.

Mas malaki ring hamak ang kinikita niya sa pagba-vlog kesa pag-aartista.

Gayunpaman, kung papipiliin sa pag-aartista at pagba-vlog, wala raw siyang itulak kabigin sa dalawa.

“Both. Hindi ko sasabihing sa vlogging kasi feeling ko, kaya rin ako napanood sa vlogging kasi kahit papaano nag-aartista na ako, so kahit papaano kilala ka na nila, may mga fan na rin ate ko,” aniya.

“Nu’ng nag-vlog naman ako, mas dumami naman opportunities ko sa pag-aartista. So, I think, it’s both ways. Pareho po silang nagwo-work for me,” dugtong niya. (Archie Liao)