Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex, Mikee di ‘nalumpo’ sa honeymoon

0 41

NI: ARCHIE LIAO

Game na naglaro ng “Never Have I Ever” challenge sina Alex Gonzaga at Mikee Morada kasama sina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga.

May set of questions kung saan kailangang sagutin ng apat kung nagawa na ba nila ang ikinakasang mga katanungan tulad nang nakipaghalikan na ba sila sa ibang tao na hindi nila partner o nagselos na ba sila sa sinumang nakatrabaho ng kanilang kabiyak in the past.

Sa kaso ni Mikee, ibinuking niya na ang first night nila ni Alex ay hindi naging thrilla in the city.

“Iyong mga ipinagmamalaki niyang lumpuhan… fake news!,”sey niya.

Matatandaan kasing nang ikasal sila sa Taytay noong nakaraang taon, nagbigay ng dare si Alex kay Mikee sa exchange ng kanilang vows na “magkakalumpuhan” umano sila sa honeymoon night.

“Tonight is the night when two become one. Sana, nakapag-prepare ka. Kasi, talagang magkakalumpuhan tonight…,”bulalas noon ni Alex.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito, nabuking na hindi nakaiskor si Mikee sa misis sa gabi ng kanilang pulot-gata.

Gayunpaman, umamin ang mag-asawa na nagtalik na sila sa Amanpulo, Boracay, at Taytay.

Ibinunyag din nila na nairaos nila ang kanilang tsugihan habang sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay nasa kabilang kuwarto.

Pahayag pa nila, never daw silang nag-pretend na nagtutulug-tulugan sa takot na kulitin ng partner na makipag-sex.

Hirit ni Alex, papaano raw niya kukulitan si Mikee gayong laging tulog ito.

Marami naman ang naaliw sa pagiging natural at kuwela ng dalawa. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.