Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex muntik masapak ng ermat

0 367

Sumailalim sa “What’s In the Box” challenge ang tatlong pamilya sa pinakabagong vlog ni Alex Gonzaga.

Ang challenge ay binubuo ng tatlong team: Team Gonzaga (Mommy Pinty at Daddy Bonoy), Team Soriano (Toni at Direk Paul) at Team Morada (Alex at Mikee).

Sa challenge, kailangan nilang hulaan ang bagay na hindi nila nakikita na nasa loob ng isang box sa pamamagitan ng paghipo rito.

Habang ginagawa nila ang challenge , hindi naiwasang magtalo ng magkapatid na Alex at Toni dahil nagtanong ang huli kung safe ang pinagagawa nila ng bunsong kapatid.

Pati ang uncle nila ay kasama sa challenge ng buong pamilya.

Sa simula, mga bulaklak at mga gulay ang pinahulaan sa kanila.

Habang lumalaon ang laro, nahaluan na ito ng uod at mga pagong.

Hindi naman naiwasan ni Toni at maging ni Mommy Pinty sa mga bagay lalo na pinahihipo sa kanila.

Sa isang pagkakataon, nagsisisigaw ni Mommy Pinty.

Nang ilapit naman ni Alex sa ina ang mga pagong na natoka kay Toni, nagalit si Mommy Pinty at muntik na nitong masapak ang bunso.

May pagkakataon ding nag-walk si Mommy Pinty sa game.

Marami naman ang naaliw sa nasabing vlog dahil nagawa ni Alex na pagsamahin sa isang challenge ang kanyang mga magulang at ang showbiz couple na sina Toni at Direk Paul sa pambihirang pagkakataon.

Sharon humirit sa Dos

Ayon kay Christian Bables, nagpapasalamat siya sa ABS-CBN sa pagbibigay sa kanila ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Naantig naman ang Megastar na si Sharon Cuneta sa naging pahayag ng award-winning actor.

Nanawagan din si Sharon sa mga mambabatas na ibalik ang prangkisa ng ABS-CBN.

Aniya, ginagawa raw naman ng network ang lahat para makapaghatid ng mga makabuluhan at de-kalidad na mga programa at serye na nakapagbibigay ng aliw sa sambayanan sa panahon ng pandemya.

Marami rin daw nabibigyan ng hanapbuhay ang network kaya dapat daw ay ibalik ang operasyon nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.