Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex nagluksa kay vlogger Lloyd

0 106

Sumakabilang-buhay na ang isa sa mga unang sumikat na vlogger sa Pilipinas na si Lloyd Cadena.

Sa kanyang official Facebook page, kinumpirma ang pagpanaw ni Lloyd, ngunit hindi idinetalye ang naging sanhi ng pamamaalam nito.

Nakiramay si Alex Gonzaga sa pagpanaw ni Lloyd sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

“Rest in peace Lloyd Cadena… Saglit lang tayo nagsama para sa collab natin pero i witnessed how your mere presence can lighten and bring joy sa mga nakapaligid sayo.. Marami kami napasaya mo at hindi makakalimot.”

Sa Instagram story ni DJ Gandang Kara, na naging katrabaho ni Lloyd sa Love Radio, nag-post ito ng pagdadalamhati para sa yumaong social media influencer.

“I love you so much and I will miss you forever. Dito na muna kita mahahalikan at mayayakap sa bulaklak na binigay mo,” saad ni Kara habang hawak ang flowers na binigay ni Lloyd.

Naging emosyonal din ang influencer na si Macoy Dubs nang kumpirmahin nito ang balita ng pagpanaw ni Cadena. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.