Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alex ‘nagpakababoy’ kay Yorme Isko

0 177

Marami nang na-prank si Alex Gonzaga sa kanyang vlog, pero sa kanyang latest social experiment ay tila di siya umubra sa Manila City Mayor at aktor na si Isko Moreno.

Sa nasabing collaboration, bumisita kasi ang dalawa sa National Museum.

Pero bago pa sila tumuntong sa nabanggit na building ay kumain muna sila ng street food sa bangketa.

Habang Itino-tour ni Yorme si Alex, nagkukuwento ito tungkol sa relics at visual art collections na matatagpuan sa paboritong tourist destination sa Maynila.

May pa-trivia pa siya kay Alex tungkol sa ipinagmamalaking Philippine eagle.

Ilang beses namang nag-excuse si Alex at nagkunyaring sumakit ang tiyan.

Ani Yorme, baka raw humilab ang tiyan ng YouTuber dahil sa nakain nitong tokneneng.

Sa huling bahagi ng video, kinakuntsaba ni Alex ang kanyang assistant sa paglalagay ng peanut butter o mala-champorado mixture sa kanyang suot para palabasin na natae o na-echas ito sa kanyang pantalon. Tila ‘nagpakababoy’ ang aktres-tv host sa kanyang pakulo.

Umarte pa itong umiiyak sa hiya dahil umano sa pagkakalat niya.

Sa halip na mandiri sa echas kuno, kinalma lang ni Yorme si Alex sa pagsasabing normal lang na nangyayari ang ganoong situwasyon.

Aniya,sanay nga raw siya sa paghawak ng tae dahil dati siyang basurero noong kabataan niya sa Tondo.

Sa huli,na-reveal ni Alex na isang prank lang ang lahat.

Ayon kay Isko, hindi siya nagulat dahil amoy champorado ang paepek na echas ni Alex.

Nagtawanan na lang ang dalawa sa kababawang gimik o prank ng vlogger-actress.

Sa kanya namang Instagram, inamin ni Alex na ang kanyang panggugudtaym kay Yorme ang isa sa mga nakakahiya niyang ginawa.

“Ito pinaka nakakahiya ko ginawa prank pero ang bait ni yorme! Hahaha napahiya at na-echas prank!” ,caption niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

@@@

Tom nakakakilig ang paandar sa dyowa

Marami ang kinilig na mga netizen lalo na ang TomCar fans sa ipinost ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez sa kanyang Instagram account.

Iba talaga ang effort ng actor sa pagtatangi sa love of his life.

Marami rin ang bumilib sa talent ni Tom dahil lumabas ang pagiging makata nito sa isinulat niyang tula para kay Carla Abellana.

Bukod sa inspired, obvious na in love talaga ang actor sa kanyang fiancee.

Sa kanyang tula na pinamagatang Ode to A Goddess, ipinahayag ng aktor ang kanyang paghanga at pagmamahal kay Carla.

Ito ang excerpts mula sa nasabing tula ni Tom.

“Like hidden petals tasting their first sunlight My heart peels back new dimensions to you. In time, I grow more in awe… and through it all I Delight in the sight of a woman so true.

Serene to a fault, still like a calm river,

A glance your way reflects all that is good

But each beat of your heart serves more to deliver

A torrent of love for the voiceless you’ve cured.”

Sa huli, binati ni Tom ang Kapuso actress ng:”Happy Birthday, my love, my muse, my life My fiancé, I dare say…Soon my WIFE! I love you.”

Na-appreciate naman ni Carla ang pa-tribute sa kanya ni Tom at nag-reply ito in all caps na “I LOVE YOU SO MUCH.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.